Katas ng tuyo at kape! Neri Naig nakabili muli ng 6,000 sq.m. na lupa mula sa online selling

Imahe mula sa Facebook/ Instagram
  • Nakabili ng 6,000 sq.m. na lupa si Neri Naig mula sa pagbebenta online
  • Kaya muli siyang ipinagmalaki ng kaniyang mister na si Chito Miranda
  • Ayon kay Chito, hindi dapat ikahiya ang pagbebenta online kung nakabibili ka naman ng bahay at kotse dahil dito

Muling ipinagmalaki ni Chito Miranda ang kaniyang misis na si Neri Naig dahil sa pagiging madiskarte nito sa buhay.

At ang pinakahuling nabili ni Neri mula sa kaniyang negosyong online selling ay isang malaking lote, ayon sa proud na frontman ng ‘Parokya ni Edgar’ na ibinahagi niya sa kaniyang Facebook.

Screenshot mula sa Facebook ni Chito Miranda

“Ako, kumikita pa rin ako sa pagbabanda. Thankfully, we still get our full TF for all our online shows. Nakakapag-provide pa rin ako for our family, at nabibili ko pa rin naman yung mga gusto kong baril,” kuwento ni Chito.

“Pero di ako makakabili ng 6000sqm na lupa,” dagdag pa ng bokalista ng Parokya.

Nabili umano ni Neri ang lote matapos lamang makabili ng lupa sa loob ng village at ng condo unit sa Pico de Loro.

Imahe mula sa Instagram ni Neri Naig

Nais lamang daw niyang ipagmalaki ang kaniyang madiskarteng kabiyak kahit sabihin pa ng iba na marahil ay naiinggit lamang siya dahil mas malaki na ang kita ni Neri kumpara sa kaniyang kinikita bago pa man magsimula ang lockdown.

“For me, sobrang proud lang talaga ako (paano ako magyayabang, eh achievements nya yan…not mine), and instead na inggit, I’m honestly inspired by what she is doing,” ayon kay Chito.

Screenshot mula sa Facebook ni Chito Miranda

“Katas yan ng tuyo at kape…at ng suka, at ng beddings, at ng affordable na alahas, pajama, and soon, her own online shop,” wika ng singer.

Ibinahagi rin ni Chito na kamakailan lamang ay nakabenta rin ng 15 lupa si Neri in less than a week sa pamamagitan ng kaniyang network of resellers and distributors at lahat ito ay nagawa ng aktres online.

Marami na rin daw sa mga resellers ni Neri ang nakabili ng sasakyan at townhouse na online selling lang din ang negosyo.

Imahe mula sa Facebook ni Chito Miranda

Ani Chito, hindi dapat ikahiya ang pagbebenta online kung nakabibili ka naman ng kotse at bahay mula dito.

“Kung tulad ka ni Neri na walang paki sa sasabihin ng iba, at handa kang tutukan at paghirapan yung goals mo, umasa ka na magagawa mo din yung ginagawa nila,” bahagi pa ng singer-songwriter.

Source :

Facebook

Loading…