Kauna-unahang Jollibee store sa Rome, Italy binuksan na

Imahe mula sa Jollibee-Facebook
  • Binuksan na ang kauna-unahang Jollibee store sa Rome, Italy
  • Tulad ng inaasahan, pinilahan din ng maraming kustomer ang kanilang pagbubukas
  • Ito na ang pang-apat na branch ng Jollibee na nagbukas sa Europe

Bukas na sa publiko ang kauna-unahang branch ng Jollibee sa Rome, Italy noong nakaraang linggo; ito ang ibinahagi sa Facebook page ng sikat na fastfood chain sa bansa.

Ang Jollibee Roma ay nakapuwesto sa Via Ottaviano 81/83, ilang metro lamang ang layo sa St. Peter’s Square sa Vatican City. Ito na ang pang-apat na branch ng Jollibee na nagbukas sa Europe.

Imahe mula sa Jollibee-Facebook

“We are happy to bring the taste of home to our fellow Pinoys and introduce our great tasting menu to the local Italian community with the opening of Jollibee’s first store in Rome!” ayon sa anunsiyo ng Jollibee sa Facebook.

“Since the grand opening, the store has catered to a continuous stream of customers who patiently lined up for our famous Chickenjoy – with physical distancing safety measures well in place” dagdag pa nito.

Tulad ng inaasahan, pinilahan ng maraming customers ang pagbubukas ng Jollibee Roma. Sa unang araw pa lamang umano ay mahigit 4,000 chicken joy na ang naisilbi sa mga parukyano hindi pa kabilang ang spaghetti at hamburgers.

Imahe mula sa Jollibee Italia-Facebook

Itinuturing naman ng kumpanya na isang milestone ang pagbubukas na ito ng kanilang branch sa makasaysayang lungsod ng Roma.

“Ever since our opening in Milan, we saw that there was a huge demand for Jollibee here in Italy and our succeeding openings in the United Kingdom show the appeal of Jollibee in other parts of Europe as well,” pahayag ni Jollibee CEO Ernesto Tanmantiong.

“We are excited to bring Jollibee’s Chickenjoy, other best sellers, and the Jollibee experience to more people as we expand in this region,” dagdag pa ni Tanmantiong.

Imahe mula sa Jollibee-Facebook

Ayon naman kay Jollibee President for Europe, Middle East and Asia Dennis Flores, maganda ang naging pagtanggap ng madla simula nang kanilang buksan ang kauna-unahang branch sa Europe sa Milan.

“Even the locals who have never heard about Jollibee are trying it and are coming back for more. We are a step closer to making Jollibee as well-loved in other countries as it is back here,” masayang bahagi ni Flores.

Loading…