Kawawa naman! Night heron na sumabit sa tali ng saranggola, ‘di na nakahulagpos

Imahe kuha ni Michael Magtoto via The UP Wild
  • Sumabit ang isang night heron sa tali ng saranggola sa llob ng UP Diliman campus
  • Hindi na ito nakahulagpos hanggang sa tuluyang bawian ng buhay
  • Dahil dito hinimok ng The UP Wild ang publiko na maging responsable sana sa kanilang mga aksiyon upang maprotektahan ang kapaligiran

Kahabag-habag ang sinapit ng isang ibon matapos itong sumabit sa tali ng saranggola at hindi na nakawala hanggang sa tuluyang bawian ng buhay.

Sa larawang kuha ni Michael Magtoto at ibinahagi ng Facebook page na The UP Wild, makikita ang isang night heron na nakasabit mula sa isang taling nakalaylay sa pagitan ng mga puno. Mapapansing wala na itong buhay dahil sa kabiguang makahulagpos mula sa entanglement.

Imahe kuha ni Michael Magtoto via The UP Wild

Ayon sa  The UP Wild, hindi pa alam kung saan nanggaling ang tali ng saranggola subalit sana raw ay magsilbi itong babala sa patuloy na pagkakawala ng campus biodiversity sa loob ng unibersidad.

Hinimok din ng naturang Facebook page ang publiko na sana ay maging responsable sa kanilang mga aksiyon upang patuloy na maprotektahan ang kapaligiran.

Screenshot mula sa The UP Wild Facebook page

“Like this string, human actions have been harming the environment and biodiversity. With the decision to build the UP-PGH in the previously protected area of the UP Arboretum, how much wildlife are we willing to lose in the process?” ayon sa The UP Wild.

Ang tinutukoy sa pahayag ang plano ng UP na magtayo ng Philippine General Hospital unit sa DIliman campus. Ang gusali ay itatayo sa loob ng UP Arboretum na isang dating protected area.

Ayon sa ulat ng GMA News, nagpasya na ang UP Board of Regents na baguhin na ang status ng UP Arboretum mula sa pagiging protected area upang bigyang daan ang construction ng nasabing gusali.

Black-crowned night heron| Imahe mula sa eBird

Samantala, maraming netizens naman ang nalungkot sa sinapit ng pobreng ibon.

Marahil daw ay panahon na para maglabas ng regulation ang pamahalaan tungkol sa pagpapalipad ng mga saranggola upang maiwasan ang katulad na pangyayari.

Noong Seytembre, isang motorcycle rider sa Vigan City, Ilocos Sur ang sinawimpalad matapos sumabit ang leeg sa tali ng saranggola.

Loading…