Kris Aquino, hinihikayat na mag-basketball si Bimby na inaaasahang aabot sa 6’4” ang height

Imahe mula sa Instagram account ni Kris Aquino
  • Hinihikayat ni Kris Aquino ang bunsong anak na sundan ang yapak ng basketbolistang ama na si James Yap
  • Hindi interesado sa basketball si Bimby, na naka-focus sa kanyang pag-aaral
  • Sa edad na trese anyos ay six footer na si Bimby at sa palagay ni Kris ay aabot sa 6’4”ang taas ng anak

Ibinunyag ni Kris Aquino na hinihikayat niya ang bunsong anak na si Bimby na sumunod sa mga yapak ng ama nitong si James Yap na isang Philippine Basketball Association superstar, subalit hindi raw interesado ang anak sa basketball.

Imahe mula sa Instagram account ni Kris Aquino

BASAHIN: Trese-anyos na anak ni Kris Aquino na si Bimby 6-footer na

“Bimb is a proud nerd. Please, I hope this is not misinterpreted by anybody. And it’s not because I’m stopping him. I’m actually encouraging him. Because I said, ‘You know, half of your DNA is actually genuinely, naturally athletic, so don’t fight it,” ani Kris Aquino sa isang press conference para sa pagiging endorser niya ng Shopee.

Anang tinaguriang “Queen of All Media,” naka-focus si Bimby sa kanyang pag-aaral.

“But, he’s really focused on his studies. Who am I to argue with that? He’s really advanced. He’s only 13, he’s already into calculus,” aniya.

Palagi raw niyang sinasabi sa bunsong anak na ipagmamalaki niya kung magkakaroon siya ng isang athletic son.

“Please don’t feel like I would feel bad if you would be sporty and athletic because that’s not exactly what I would feel. I would be so proud to have an athletic son,” saad pa ni Kris.

Sa edad na trese anyos ay six footer na si Bimby. Inaasahan niya na posibleng lampasan pa ng anak ang tangkad ng ama. Ang panganay niyang anak na si Joshua ay 6’2 ang height.

Imahe mula sa Instagram account ni Kris Aquino

“Josh stopped growing when he was 17… Josh’s dad I think is only 5’11. Bimb’s dad is 6’2”. So I think Bimb is going to be at 6’4”? So, let’s see,” aniya.

Nag-suggest din daw siya kay Bimby na pasukin ang politika.

“You know what he told me? There’s no money there. I was so proud of the fact that we just talked about politics and he said there’s no money there. Thank God I raised a good son!”

Imahe mula sa Instagram account ni Kris Aquino

 

Loading…