Kris Aquino muling nagpahiwatig sa posibleng pagbabalik-telebisyon

Image by Kris Aquino via Facebook
  • Makaraang maudlot ang ilang naka-schedule na pagbabalik telebisyon, Kris Aquino mukhang may magandang balita sa mga tagahanga
  • Sagot ni Kris sa netizen na nagtatanong sa kanyang pagbabalik: “Secret lang ha, but it’s happening”
  • Matagal nang hinihintay ng mga tagahanga ang comeback ng Queen of All Media

Makailan mang naudlot ang kanyang pagbabalik-telebisyon, mukhang mayroong magandang balita si Queen of All Media Kris Aquino sa kanyang mga tagahanga “sooner than soon.”

Image by Kris Aquino via Instagram

Makahulugan kasi ang naging kasagutan ni Kris sa tanong ng isa niyang follower sa Instagram.

Komento ng follower, “We look forward to see you again sa TV! Na-miss po namin kayo!” Sagot naman ni Kris, “Secret lang ha, but it’s happening. Sooner than soon.”

Naganap ang usapan sa IG post ng personalidad patungkol sa buhay, pagmamahal, pananampalataya, kalakasan sa gitna ng pagsubok at pagiging totoo sa sarili.

“I believe I’m still here because of my authenticity – sometimes it got me into trouble, but with me, you’ve always known that what you see is exactly what you’ll get,” ang mababasa sa bahagi ng post.

“Pareho naman tayo, we’ve all had our share of heartbreaks and heartaches – but I still have faith, we all deserve to love and be loved. In just a few more days, you’ll get to meet my NOW & FOREVER,” sabi pa niya.

Matatandaang matagal nang hindi napapanood ang sikat na TV host sa telebisyon kaya’t marami sa kanyang mga naging katrabaho at tagahanga ang umaasa na ito nga, finally, ay magkatotoo.

Image by Kris Aquino via Facebook

Reaksyon rito sa comment section ng sikat niyang kasama sa mga TV shows na si Darla, “O, happy to see that “smile” again. Sa lahat ng nangyari – na mas na-exclamate pa ng pandemic, lahat tayo narealize kung ano talaga ang mahalaga sa mundo. At ‘yun ang paghahawakan natin ng mas may pagmamahal at pag-aalaga. Love you!”

“Walang kupas, still the One and Only Queen! We’re excited what you have in store for us, Ms. Kris!,” ang wika naman ng kanyang sikat na impersonator na si Krissy Achino.

BASAHIN: Bagong talk show ni Kris Aquino tuloy na tuloy na sa Kapatid Network

Image by Kris Aquino via Instagram

Loading…