KZ Tandingan at TJ Monterde, nagpalitan ng ‘I Do’ sa Batangas

Imahe mula sa Mayad Studios
  • Ikinasal na sina KZ Tandingan at TJ Monterde
  • Nagbahagi ang kanilang official photographer na Mayad Studios ng ilang larawan na nagpapakita ng mga kaganapan sa kanilang intimate wedding
  • Naglabas din sila ng music video tampok ang kanilang kasal

Hindi napigilan ng pandemya ang pag-iisang dibdib nina KZ Tandingan at TJ Monterde na ginanap sa isang garden sa Lipa, Batangas.

Imahe mula sa Mayad Studios

Ibinahagi ng kanilang official wedding photographer na Mayad Studios ang pasilip sa kanilang intimate wedding na noong Agosto 28 pa pala ginanap.

Nasaksihan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan ang pagpapalitan nila ng “I Do.” Ilan sa mga kasamahan sa music industry na dumalo sa kanilang kasal ay sina Martin Nievera at Ebe Dancel.

Paliwanag ng kanilang wedding planner na La Belle Fete, mahigpit nilang sinunod ang quarantine protocols na ipinatutupad ng pamahalaan laban sa COVID-19.

“Due to the pandemic and health protocol observance, everyone had to go through a series of testing, isolation, and health follow-ups. It was just TJ, KZ, and a few people. Attendees only witnessed the heart to heart event virtually. Still, it was dreamy,” pahayag nila sa isang Instagram post.

Imahe mula sa Mayad Studios

Nagbahagi rin ang bagong kasal ng pasilip sa kanilang wedding sa pamamagitan ng surprise single nilang “Can’t Wait to Say I Do.” Ilang bahagi nito ay kinuhanan sa kanilang kasal mismo.

“Safety is our main priority. Hence, we chose a venue that provides a COVID-free environment. Everyone involved underwent a series of COVID-19 testings and were cleared before entry as we complied responsibly with all the strict guidelines,” panimula nila sa video.

Ayon kina KZ at TJ, ang kikitain nila sa YouTube video na ito ay ido-donate nila sa Inspire Church Metro.

Disyembre 2019 nang mag-propose si TJ kay KZ. “Thank you God for the moon, the stars, and the sea…and thank you for God, for my wife to be,” sabi niya.

Congratulations, KZ and TJ!

Panoorin dito ang video:

Loading…