Lacson nasilip ang tig-P1-M ‘budget insertions’ ng Kamara para sa 42 distrito

Imahe mula sa Facebook ni Sen. Ping Lacson
  • Nasilip ni Senador Ping Lacson ang ‘unipormadong’ budget insertion sa NEP
  • Para ito sa 42 distrito na may nakalaang tig-P1 milyon na isiningit umano
  • Tila matindi raw ang nangyaring ‘haggling’ sa pagitan ng DPWH at ilang kongresista

Nasilip ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang diumano’y isiningit ng mga kongresista na tig-P1 milyon para sa 42 congressional district sa 2021 national budget.

Ayon sa senador, unipormado ang budget insertion dahil kada distrito ay siningitan ng P1-M sa National Expenditure Program o NEP.

House of Representatives| Imahe mula sa PNA

“May nakita pa kami na P1 million uniformly appropriated to several districts. I think around 42 districts all over the country,” bahagi ng mambabatas sa panayam ng Headstart ng ABS-CBN.

Lumalabas raw na isiningit ang naturang halaga kinalaunan na dahil hindi ito orihinal na kabilang sa General Appropriation Bill subalit isinama na lamang sa NEP na late na ring naibigay dahil sa ‘haggling’ sa pagitan ng DPWH at ilang kongresista.

“Ibig sabihin ito ‘yung insertions na nga but inserted already not anymore under the General Appropriations Bill in Congress but dun sa NEP as submitted very, very late ng DPWH,” paliwanag pa ng senador.

Tila matindi umano ang nangyaring ‘haggling’ na nagresulta sa kabiguan ng DPWH na maipasa ang kanilang budget sa tamang oras.

Imahe mula sa pinglacson.net

Dati nang sinita ni Lacson ang P396 bilyon na nakapaloob bilang ‘lump sum appropriations’ sa budget ng DPWH. Inabot ng 12 araw lampas sa itinakdang 30 araw ang ipinasang breakdown ng nasabing appropriations, ayon pa sa mambabatas.

Kaya malakas umano ang hinala niya na galling sa mga kongresista ang nabanggit na budget insertions.

“Coming from that premise or assumption na may haggling, galing na nga sa mga congressman ‘yung breakdown na sinubmit ng DPWH na nag-increase nga ‘yung mga local project,” anito.

Magugunitang pinaalalahanan na rin dati ni Lacson ang mga mambabatas ng Mababang Kapulungan na anumang amendments matapos ang final reading sa pamamagitan ng ‘errata’ ay hindi pinapayagan ng Konstitusyon.

Loading…