Lahat ng laro sa PBA 2020 suspendido

Imahe mula sa PBA
  • Indefinite suspension ng PBA 2020 ipinatupad alinsunod sa rekomendasyon ng IATF at DOH
  • Nagsimula ang suspensyon noong Biyernes, October 30
  • Ipagpapatuloy lang ang liga kapag naglabas ang IATF at DOH ng bagong protocols na ipatutupad sa loob ng PBA bubble

Nagpasya ang pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) na suspindehin ang lahat ng naka-schedule na games alinsunod sa rekomendasyon ng technical working group ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases at ng Department of Health (DOH) advisory group of experts.

Imahe mula sa PBA

Sinimulan ang suspensyon ng mga laro noong Biyernes, ika-30 ng Oktubre. Kabilang sa mga scheduled games na napatigil ay ang NorthPort versus Magnolia na nakatakda sanang maganap alas-kuwatro ng hapon at ang pinakainabangang 6:45 pm match ng Barangay Ginebra at ng San Miguel Beer.

Ang indefinite suspension ay ipinatupad upang tiyakin ang integridad ng PBA bubble kasunod ng pagkakaroon ng dalawang COVID-19 cases – isang referee at isang player ng Blackwater team, na nananatili sa isolation facility sa Athlete’s Village sa New Clark City sa Pampanga.

Ang team practices ay hindi rin muna pinapayagan.

Itutuloy lang ang liga kapag nakapaglabas ang IATF at DOH ng bagong protocols na ipatutupad sa loob ng PBA bubble.

“In compliance with the recommendation of the IATF-EID Technical Working Group and the DOH Advisory Group of Experts and to ensure the integrity and safety of the PBA Bubble, the league is postponing the games starting TODAY, October 30 until the new protocols proposed by the IATF and DOH are out in place,” saad ng PBA statement.

Imahe mula sa PBA

Pinasalamatan ng PBA league ang IATF, DOH at ang Clark Development Corporation sa patuloy na suporta ng mga ito.

 

Loading…