Lalaki minamaliit dahil nagtitinda ng ulam kahit nakatapos ng pag-aaral

Image by Andrew Pineda via Facebook
  • Bachelor’s degree holder na nagtitinda ng ulam, ipinagtanggol ang sarili
  • Ani Andrew Pineda: “Opo tindero kami ng mama ko, taga-tinda ng almusal at ulam pero sa ganitong paraan napapakita ko pong edukado ako”
  • Dagdag niya, walang nakakahiya sa pagtitinda at hanapbuhay ng ating mga magulang

Mayroong mga trabahong tila minamaliit ng ilan kahit na marangal naman ito. Kaya’t hindi na napigilan ng isang bachelor’s degree holder na ipagtanggol ang sarili sa panghuhusgang nararanasan mula sa iba dahil kanyang pagtitinda ng almusal at ulam kasama ang kanyang nanay.

Image by Andrew Pineda via Facebook

Ani Andrew Pineda sa Facebook, nakaririnig umano siya ng mga komentong: “Diba kumuha ng kursong Educ ‘yan? Hindi pa ba siya nagtuturo? Hala, sayang dapat maghanap ka na [ng] work.”

Sa kasalukuyan kasi ay tumutulong siya sa kanyang nanay sa pagtitinda.

Saad ni Andrew, “Opo tindero kami ng mama ko, taga-tinda ng almusal at ulam pero sa ganitong paraan napapakita ko pong edukado ako at hangga’t nabubuhay ang magulang ko patuloy ko po silang tutulungan at susuportahan. Ang mahalaga ay may silbi at sense tayo sa lipunan.”

Dagdag pa nito, walang nakakahiya sa pagtitinda o sa hanapbuhay ng mga magulang kaya’t iwasan ang pag-iiniarte bagkus ay maging madiskarte sa panahon ng kagipitan.

Gusto umano niyang ma-inspire ang iba. Masama aniya ang ikumpara ang sitwasyon sa iba, mas maayos na manatiling humble anuman ang marating natin.

Para naman sa mga nanghuhusga sa kanyang trabaho kahit nakatapos ng pag-aaral, sagot nito, “”PANDEMIC” sa tingin niyo po ba ganun kadali maghanap ng work?”

Image by Andrew Pineda via Facebook

Viral ang post na ito ni Andrew na nakalikom na ng higit 16,000 reaksyon at nasa 7,400 komento habang ibinabahagi ito.

Sabi ng isa, “Tama po kayo d’yan. Imbes na maging maarte, dapat marunong tayong dumiskarte. Lalo’t may pandemic ngayon, buti pa nga kayo kuya tumutulong kayo sa mga magulang n’yo eh ‘yung iba nga d’yan pabigat pa sa mga magulang eh.”

Sabi naman ng iba, “‘Yung mga nangungutya sa’yo baka tambay lang sa bahay hahaha. ‘Wag niyo po pansinin, ang mahalaga may kita. Surviving. Hindi sila kikita sa pangungutya. Ikaw kumikita ka, kaya go lang.”

Image by Andrew Pineda via Facebook
Source :

Facebook

Loading…