Lian Paz sinagot ang netizen na nagtanong tungkol sa anak niya kay Paolo Contis

Imahe mula sa Instagram | Lian Paz at Paolo Contis
  • Isang netizen ang nagtanong kay Lian Paz kung si Xalene ba ang anak niya kay Paolo Contis
  • Sinabi ni Lian na anak niya lang si Xalene
  • Nagpapasalamat din daw siya sa partner na si John Cabahug dahil tumayo itong ama sa kanila

“Anak ko lang po.”

Ganito ang naging tugon ng dating EB Babes member na si Lian Paz sa isang netizen na nagtanong kung si Xalene ba ang anak niya sa ex-husband na si Paolo Contis. “Thank God may Daddy na siya. As shown on photo,” dagdag pa ni Lian.

Imahe mula sa Instagram | Lian Paz

Nasa larawan a IG post ang kaniyang partner na si John Cabahug na inaalo ang kaniyang anak na si Xalene na nakagat ng kanilang pet dog sa bibig.

“Sa lahat ng ayaw nating mga magulang ay makita ang mga anak nating masaktan. Kahapon po kasi kinagat po ng dog namin si Xalene. For safety, nearest doctor sa amin said to bring her to the hospital for anti-rabies vaccination kahit na our dog has complete immunization,” kuwento ni Lian.

Anak ni Lian sina Xonia at Xalene sa ex-husband na si Paolo Contis. Sinabi noon ni Lian na hindi nagbibigay ng suporta sa kanila ang aktor. Nagpasalamat naman noon si Lian kay John para sa suporta nito sa kanilang mag-iina.

Imahe mula sa Instagram | Paolo Contis

“We were schoolmates from Grade 6 to 1st year high school and who would have thought that he will stand to be the father of Xonia and Xalene? Not just physically and emotionally present which are the most important things to give a child, but also financially,” sabi ni Lian sa isang post noong 2018.

Samantala, sinabi naman ni Paolo sa isang panayam noong isang taon na nais niyang ma-meet ng kaniyang anak kay LJ Reyes na si Summer ang kaniyang Ate Xonia at Xalene. Naniniwala rin daw siya na darating ang pagkakataon na maipapaliwanag niya ang kaniyang sarili sa mga anak.

“I believe that the day will come that I will be able to say my piece, but not to the public. They just have to know that I never stopped loving them regardless of whatever happened and hopefully, one day, I will be able to talk to them and explain my side,” sabi niya.

Loading…