Libreng WiFi, mas malamig na aircon pinapayagan na sa mga shopping malls

Imahe mula sa Fisher Mall Facebook page
  • Pinayagan na ng DTI na lakasan ang aircon sa mga malls at commercial centers
  • Puwede na ring buksan ang libreng WiFi na magagamit ng mga customers
  • Kailangan lang tiyakin ng mga mall at commercial center owners ang implementasyon ng “seven commandments” laban sa COVID-19

Noong buwan ng Mayo ay inutusan ng Department of Trade and Industry (DTI), sa bisa ng Memorandum Circular 20-21, ang mga mall owners na limitahan ang paggamit ng aircon, libreng WiFi at mallwide sale and promo events sa layuning ma-discourage ang publiko na tumambay sa mga shopping malls.

Imahe mula sa CNN PH

Makalipas ang limang buwan ay nagluwag na ang DTI sa mga control measures na ipinatutupad sa mga malls at iba pang business establishments.

Sa ilalim ng inilabas na Memorandum Circular 20-25, pinapayagan na ngayon ang mga shopping malls at commercial centers na i-set sa mas malamig na temperature ang kanilang airconditioning system. Partikular na binanggit sa DTI memo na ang temperature ng aircon ay dapat naka-set sa 24 degrees Celsius.

Pinapayagan na rin ang mga ito na magbigay ng free WiFi. Maaari na ring magsagawa ng mga sales and promo events, pero kailangang humingi ng permit mula sa DTI Fair Trade Enforcement Bureau.

Ang mga senior citizens ay puwede na ring mag-malling. Pinapayagan na rin ang pagbebenta ng alak.

Ang mga pagluluwag na ito ay ginawa upang mahikayat ang maraming mamamayan na magtungo sa mga shopping malls at gumasta ng pera bilang isang paraan ng pagpapasigla ng ekonomiya ng bansa.

Ipinaalala ng DTI sa mga mall at commercial center owners and management na dapat nilang tiyakin ang implementasyon ng tinatawag na “seven commandments” laban sa COVID-19.

Imahe mula sa Ayala Malls

Kabilang dito ang pagsusuot ng face masks at face shields; no talking and eating sa mga confined areas; sapat na ventilation; madalas at tamang disinfection; isolation ng mga symptomatic o mga indibidwal na COVID-19 positive, at physical distancing.

Loading…