Liza Soberano idinetalye kung bakit vocal siya sa mga usaping pangkababaihan

  • Ipinaliwanag ni Liza Soberano ang kaniyang mga opinyon hinggil sa iba’t ibang isyung pangkababaihan
  • Naging guest siya sa online webinar ng Gabriela Youth
  • Ang pamagat nito ay  “Mga Tinig ni Nene: Reclaiming Our Voice on the International Day of the Girl Child”

Isa ang Kapamilya actress na si Liza Soberano sa mga artistang hinahangaan ng marami hindi lamang dahil sa pagkakaroon ng napakagandang mukha at talento sa pag-arte, kundi maging sa kaniyang pagiging vocal sa iba’t ibang isyung panlipunang nagaganap sa bansa.

Kamakailan lamang, naging bahagi si Liza ng isinagawang online webinar ng “Gabriela Youth” kung saan idinetalye niya ang  dahilan kung bakit vocal siya tungkol sa mga isyu para sa kababaihan.

Imahe mula sa Facebook page ng Gabriela Youth

“The norms of society have conditioned women and children to stay quiet when dealing with hardships and struggles because nobody is going to do anything anyway. Yet why do they expect us, women alike, and children to remain resilient when dealing with these struggles? Change cannot be the sole responsibility of the people who need it most.”

“As a women, as a Filipino artist, I think that women and influencers alike should start speaking up, and can contribute not only awareness about these issues but also encouragement and confidence to our fellow women and children that they need to learn to stand up for themselves.”

Pagdating naman sa isyu ng “catcalling,” naglabas din ng saloobin dito si Liza.

“I find it so unfair that we women have to go out everyday in fear of being catcalled— in fear of dressing a certain way and being called out for the way we dress. I fear that my nieces and my future children won’t be able to go out in a safe environment. That’s why I find it so important to start spreading awareness to future generations as early as now so that we can create a better future for everyone,” ani Liza.

Imahe mula sa Facebook page ng Gabriela Youth

Ang pamagat ng naturang online webinar ng Gabriela Youth ay  “Mga Tinig ni Nene: Reclaiming Our Voice on the International Day of the Girl Child.”

Loading…