Local tilapia growers nababahala sa planong importasyon ng tilapia mula sa China

Imahe mula sa Aquaculture Alliance
  • Local fish growers nababahala sa balitang aangkat ang bansa ng tilapia mula sa China
  • Iginiit ng Philippine Tilapia Stakeholder’s Association na hindi nawawalan ng supply ng tilapia ang bansa
  • Patutunayan naman ng Pampanga tilapia growers na mayroon silang oversupply ng tilapia

Nababalisa ang mga local tilapia growers dahil sa balitang papayagan umano ng pamahalaan ang importasyon ng tilapia mula sa China.

Imahe mula sa PHILTilapia

Ayon sa Philippine Tilapia Stakeholder’s Association, walang dahilan ang pag-aangkat ng tilapia dahil hindi nagkukulang ng supply nito sa bansa.

“Nasabi ko nga noong nakaraan, punong-puno ng tilapia sa atin. Sana hindi kami magaya sa ibang industriya ng magmamanok at magbababoy na mayroon silang mga produkto pero may importation pa rin. Nagdudulot ng pagkabalisa sa ating grower kapag may balitang ganyan,” sabi ng presidente ng Philippine Tilapia Stakeholder’s Association na si ni Jon Juico.

Kahit umano magkaroon pa ng fishkill sa isang lugar ay mapupunan ito ng mga fish growers mula sa ibang lugar.

“Kahit na magka-fishkill sa isang lugar mapupunan naman ‘yan ng ibang lugar. Hindi po nawawalan ng tilapia sa ating bansa dahil akma ang ating klima sa pag-aalaga,” sabi pa ni Juico.

Imahe mula sa Edge Davao

Isa sa mga umaaray sa planong importasyon ay ang mga tilapia growers sa Taal Lake sa Batangas. Mapipigilan umano nito ang kanilang recovery mula sa pinsalang dulot ng pagsabog ng Taal Volcano at sa mababang market demand dahil sa COVID-19 pandemic.

Nagpadala ng liham ang Taal Lake Aquaculture Alliance, Inc. kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Secretary Eduardo Gongona at kay Batangas Governor Hermilando Mandanas upang hilingin na huwag ituloy ang planong importasyon ng tilapia mula sa China.

Handa namang patunayan ng Pampanga tilapia growers sa gobyerno na may oversupply ng tilapia sa kanilang lugar at ang importasyon ay hindi kinakailangan ngayon.

Imahe mula sa SEAFDEC/AQD
Source :

ABS-CBN, Abante

Loading…