Lolit Solis, ibinahagi ang emosyonal na muling pakikipag-usap kay Caridad Sanchez

Imahe mula sa Instagram | Lolit Solis
  • Labis na ikinatuwa ni Lolit Solis ang muling pagkakausap nila ni Caridad Sanchez
  • Nalaman daw ni Lolit na maayos pa ang pisikal na kondisyon nito at nakakausap pa
  • Ibinahagi niya rin na sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay bigla siyang tinanong nito kung sino siya

Ibinahagi ng entertainment columnist na si Lolit Solis ang emosyonal na muling pag-uusap nila ng veteran actress na si Caridad Sanchez.

Imahe mula sa Instagram | Lolit Solis

Kuwento ni Lolit sa isang Instagram post, hindi niya napigilan ang pagtulo ng kaniyang luha nang muling marinig ang boses ni Caridad. “Parang overwhelming feeling ang nadama ko. Nagkaroon ako ng lump sa throat at basta tuloy-tuloy ang tulo ng iyak ko,” pagsasalaysay niya.

“Ganoon pala iyong feeling na makausap mo ulit ang isang tao na naging importante sa buhay mo.”

Matagal daw silang hindi nagkaroon ng komunikasyon kaya humingi rin siya ng paumanhin dito. “Sinabi ko na sorry for losing touch,” dagdag niya.

Masaya rin daw si Lolit dahil alam niyang maayos ang kalagayan ni Caridad dahil nakasasagot ito sa kaniyang mga tanong.

“Okay ang boses niya. Maganda ang flow ng conversation namin. At sabi ko nga, she sounded healthy and happy. I was very happy basta alam ko na okay ang physical condition niya at puwede ko pa siyang makausap,” sabi ni Lolit.

Imahe mula sa Instagram | Cathy Babao

Nangako rin daw si Lolit na magpapadala siya ng bulaklak kay Caridad at ipinaalala niya rin na mahal na mahal niya ito.

“Sagot niya sa akin, ‘Mahal din kita, sino ka nga ba?’ At doon na ako nagba-bye sa kaniya,” salaysay niya.

Naiintindihan daw niya na sa edad na 84 ni Caridad ay nagiging ulyanin na ito. “Siguro nga sa edad ni Caridad Sanchez kaya medyo malilimutin na. Pero sure ako, sharp pa rin at in tune siya sa paligid. My dear Tita Caridad, stay safe, stay strong, and stay happy,” ani Lolit.

Ayon sa anak ni Caridad na si Cathy Babao, may dementia ang kanilang ina. Itinanggi naman ito ng kaniyang kapatid na si Alexander Joseph Babao na nagsabing ang nararanasan ng kanilang ina ay mild cognitive handicap na dala na rin ng kaniyang edad.

Nag-post pa si Alexander ng video ng kaniyang ina habang nakikipag-sparring. “Under my care, she remains very physically fit; a source of wisdom and blessing to me whenever we have our late night mother and son conversations,” aniya.

Panoorin dito ang video:

 

View this post on Instagram

 

July 5 2020

A post shared by UAZ Hunter PH Fan page (@josef_aleksandr) on

Loading…