Lolit Solis may reaksiyon sa ‘pagbubuking’ ni Kim Chiu sa relasyong Gerald Anderson-Julia Barretto

Imahe mula sa Instagram/GMA News
  • Naniniwala si Lolit Solis na ‘kinumpirma’ lang ni Kim Chiu ang relasyon nina Gerald at Julia
  • Ito ay matapos ang ginawang ‘pagbubuking’ ni Kim sa ‘It’s Showtime’ kamakailan
  • Ayon kay Manay Lolit, wala naman nang dapat itago pa sina Gerald at Julia kung talagang nagmamahalan sila

Naniniwala ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis na ang ‘pagbubuking’ ni Kim Chiu kamakailan sa ‘It’s Showtime’ ay kumpirmasyon na mayroon talagang itinatagong relasyon sina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Para kay Manay Lolit, alam na ng marami ang namamagitan sa dalawa kaya wala na itong dapat pang itago.

Screenshot mula sa Instagram

“Sure ako Salve na iyong ‘pagbubuking’ ni Kim Chiu sa alam niyang relasyon nila Gerald Anderson at Julia Barretto alam naman ng marami,” ani Manay Lolit sa kaniyang pinakahuling Instagram post.

“Ewan ko kung ano ang dahilan para itago pa nila sa iba kung nagmamahalan sila samantalang wala naman silang sabit pareho,” wika ng kontrobersiyal na talent manager.

Sa ‘Its Showtime’ kamakailan, napilitan si Kim Chiu na i-like ang larawan ni Gerald bilang ‘funishment’ sa segment na ‘Mas Testing’.

Screenshot mula sa You Tube

Noong una’y nagdadalawang-isip ang Kapamilya aktres dahil hindi naman daw niya fina-follow ang dating kasintahan at halos isang dekada na ang nakalipas simula nang sila’y maghiwalay. Humingi rin siya ng paumanhin sa kaniyang kasalukuyang BF na si Xian Lim.

“Hi Xi, kung nanoonood ka ngayon, this is just a game,” ani Kim.

Subalit habang nag-i-scroll ng Instagram ay bigla itong nagsalita: “Tapos pag bukas mo dito, nandito si Julia Barretto,” na kaagad namang sinundan ng “Ay bawal ba?” nang mapagtanto na nadulas ang dila niya.

Samantala, ayon pa rin kay Lolit, pinakamahirap daw sa lahat ang isang tagong relasyon lalo pa’t nagmamahalan naman ang dalawang tao.

“So what kung naging controversial nuon una, tutal naman tapos na ang lahat, siguro naman kung may nasaktan naka move on na rin, wala nang dapat itago. Iyon naman feelings nila ang importante, kung sila talaga ang nagmamahalan, why not,” patuloy ng kolumnista.

Imahe mula sa The Filipino Times

“Mas lalo pang tanggap ng publiko na aminin nila, at open sila sa relasyon. Iyon pagmamahal dapat ipinagmamalaki, hindi ikinahihiya. Love conquers all,” pagtatapos ng post ni Manay Lolit.

Maliban kay Lolit Solis, marami rin ang naniniwalang may itinatagong relasyon nga sina Gerald at Julia at ang revelation ni Kim Chiu sa ‘It’s Showtime’ ay isa umanong matibay na kumpirmasyon nito.

Loading…