Long quiz prank ng isang guro, ikinatuwa ng mga estudyante

Imahe mula sa Canva, Pixabay, at Facebook | Michelle Ann Sorima
  • Marami ang humanga sa isang guro na sa halip na magbigay ng long quiz ay pinagpahinga na lang ang kaniyang mga estudyante
  • Sabi ng guro, naiintindihan niyang ang lahat ay nangangapa pa sa bagong paraan ng edukasyon ngayong may pandemya
  • Pinalakas rin niya ang loob ng mga estudyante, mga magulang nila, at kapwa mga guro sa mga hamon na kanilang kinakaharap ngayon

Sana all.

Ganito na lang ang nasabi ng ilang mag-aaral sa “prank” ng isang guro sa kaniyang mga estudyante.

Imahe mula sa Facebook | Michelle Ann Sorima

Ibinahagi ng estudyanteng si Michelle Ann Sorima ang screenshot ng “long quiz” na pinagagawa sa kanila ng kanilang gurong si Sir Arthur Alcantara. “To be submitted on Monday for online students only,” sabi pa nito sa kanilang group chat.

Ngunit pagbukas niya ng file na ibinahagi ng guro ay nagulat siya sa laman nito. “It’s a Prank!” bungad nito.

“Our new education set up is causing too much stress on us. Chill and enjoy this weekend with your family. Pray and attend online service or mass on Sunday. Kayang kaya natin ang stress, mga anak. Fighting lang. Labyu ol! God bless,” nakalagay sa file ng kanilang “long quiz.”

Imahe mula sa Unsplash

Dahil sa pang-unawang ito ng kanilang guro ay nagpasalamat ang uploader sa kaniya. “The best prank. Thank you so much, Sir Arthur,” aniya.

Samantala, sa isang Facebook post ay ipinaliwanag naman ni Sir Arthur na naiintindihan niyang ang lahat ay nangangapa dahil sa bagong set-up ng edukasyon dahil sa pandemya.

“Sa mga anak kong mag-aaral, laban lang para sa inyong mga pangarap. Sa mga kapwa ko guro, kayang-kaya po natin ‘yan para sa sinumpaan nating tungkulin at para sa mga batang may pangarap,” sabi niya.

“Sa mga magulang, tuloy lang po sa pagsuporta sa inyong mga anak na may matataas na pangarap,” dagdag niya.

Hiling din ng guro, sana ay magkaisa ang lahat upang mapagtagumpayan ang mga pagsub0k ng online learning.

Loading…