Lt. Gen. Parlade dismayado kay Yorme na nagpatanggal ng anti-CPP-NPA-NDF tarps

Imahe mula sa AFP
  • Nadismaya si Lt. Gen. Parlade sa pagpapatanggal ni Yorme sa mga anti-Red tarpaulin sa Maynila
  • Nais malaman ni Parlade kung ano ang dahilan ng alkalde sa ginawa nito
  • Ang tanong niya ay kung wine-welcome ba ni Mayor Isko sa Maynila ang mga grupong CPP-NPA-NDF?

Nagpahayag ng pagkadismaya si Lieutenant General Antonio Parlade Jr. sa ginawa ni Manila Mayor Isko Moreno na pagpapatanggal sa mga tarpaulin na nagdedeklarang “persona non grata” ang mga grupong Communist Party of the Philippines, (CPP) New People’s Army (NPA) at National Democratic Front (NDF) na isinabit umano ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa ilang bahagi ng lungsod.

Imahe mula sa PNA

Bagama’t miyembro siya ng NTF-ELCAC, nilinaw ni Parlade na wala siyang kinalaman sa pagsasabit ng mga nasabing tarpaulins sa ilang lugar sa Metro Manila. Pero kinuwestyon niya ang ginawang aksyon ng alkalde at tinanong pa niya kung “wine-welcome” ba ni Yorme sa Maynila ang nabanggit na mga grupo?

Aniya, 96 cities na sa  bansa ang nagdeklara sa CPP-NPA-NDF bilang persona non grata.

Panahon na raw para marinig mula sa alkalde kung ano ang basehan nito sa pagpapatanggal ng mga anti-Red tarpaulins.

“Why would Manila order the removal of these tarps? Is Mayor Isko welcoming these terrorists? Let’s clarify from Yorme the basis for his action? Is it fear of retribution? It’s about time we hear it from Yorme Isko. Will he now declare the NTF-ELCAC persona non grata in Manila instead?” ani Parlade na commander ng Southern Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines.

Imahe mula sa Citizen Express

Sinilip din ni Parlade ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila na karamihan daw sa pamunuan nito ay miyembro ng grupong Gabriela.

“Let’s take a look at the leadership of Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. From President down, mostly Gabriela and staff of Taguiwalo booted out of DSWD. Who has the appointing power and authority in this university?” makahulugang tanong ng AFP officer.

Loading…