Lyca Gairanod emosyonal na binalikan ang mga lumang gown

Imahe mula sa YouTube | Lyca Gairanod at ABS-CBN
  • Napa-throwback si Lyca Gairanod nang kaniyang balikan ang mga damit na isinuot niya noong nagsisimula pa lamang sa industriya
  • Bawat damit ay may kuwento at naging bahagi raw ng kaniyang tagumpay
  • Ani Lyca, iniingatan niya ang mga damit na ito dahil memorable ito sa kaniya

Naging emosyonal si Lyca Gairanod, ang itinanghal na unang The Voice Kids grand champion, nang kaniyang balikan ang mga damit na naging bahagi ng pagsisimula ng kaniyang singing career.

Imahe mula sa YouTube | ABS-CBN

Kuwento niya sa kaniyang vlog, anim na taon na simula nang subukan niyang pasukin ang industriya ngunit itinatabi niya pa rin ang mga dress at gown na suot niya sa mahahalagang pangyayari sa kaniyang buhay.

“Napaka-memorable nitong mga damit na ito sa akin. Isa rin sila sa mga tumupad ng pangarap ko, parang sila na rin ‘yong kasama ko sa journey ko,” aniya.

Isa rito ang Frozen-inspired gown na kaniyang isinuot para sa kaniyang ika-10 kaarawan. Aniya, iyon ang unang beses niyang nakaranas ng magarbong selebrasyon. Hindi naman kaila sa lahat na galing sa hirap ang kaniyang pamilya.

“Pinaghandaan talaga nila itong birthday ko na ‘to. Dito ko rin naranasan ‘yong maraming cake. Talagang sobrang saya ko nun at napaka-blessed ko na rin,” dagdag niya.

Imahe mula sa YouTube | Laica Gairanod

Naroon din ang yellow dress na sinuot niya nang mag-promote siya ng kaniyang unang album.

Ngunit ang highlight para sa kaniya ay ang mga damit na isinuot niya sa The Voice Kids. Hindi niya napigilan ang luha nang muling makita ang black and white dress na kaniyang ginamit nang kantahin ang audition piece na “Halik.”

Pagbabahagi niya, iyon ay damit na Pamasko ng kaniyang Ate. “Pinag-ipunan talaga namin ‘to. Nagsipag kami para makabili ng damit,” sabi ng naluluhang si Lyca. “Siya na rin ‘yong naging bahagi ng journey ko na tumupad sa pangarap ko.”

Ito raw ang dahilan kung bakit kahit marami na siyang nasuot na magarang damit ay hinding hindi mawawala ang halaga nito sa kaniya.

Maingat ding itinatabi ni Lyca ang mga gown na isinuot niya sa Battle round at Finale ng reality singing competition.

Panoorin ang kaniyang vlog:

Source :

YouTube

Loading…