Mag-asawa isinunod sa pangalan ng internet provider ang pangalan ng bagong silang na anak kapalit ng libreng WiFi

Imahe mula sa Twifi
  • Mag-asawa sa Switzerland isinunod ang pangalan ng bagong silang na anak sa pangalan ng telecommunications company
  • Twifia ang ipinagalan sa anak na sunod sa pangalan ng kumpanyang Twifi
  • Ang pangakong libreng internet service ay tatagal ng hanggang 18 years

Isang mag-asawa ang tumugon sa advertisement ng Swiss internet provider na “Twifi” na nagsabing magbibigay ito ng libreng internet service sa sinumang pamilya na ang ipapangalan sa bagong silang na anak ay Twifia kapag babae o kaya naman ay Twifius kapag lalaki.

Imahe mula sa Twifi

Ang pangako ng Twifi ay libreng internet service sa loob ng labing-walong taon.

Ipinarehistro ng mga mag-asawang residente ng Graubünden, Switzerland na ang isa sa mga pangalan ng kanilang bagong silang na anak ay Twifia. Hindi ibinunyag ng mag-asawa kung ano pa ang ibang pangalan ng anak upang manatili ang kanilang privacy.

Nakaramdam din daw sila ng hiya dahil baka isipin ng mga nakakakilala sa kanila na ibinenta nila ang pangalan ng anak. Ayaw na raw nilang magpaliwanag pa sa mga magtatanong.

“We want to remain anonymous to those around us because we don’t want to justify ourselves for it. Because the accusation of having sold our child’s name hits us very hard. We’re also a little ashamed,” sinabi ng ama ng bata sa isang lokal na pahayagan.

Ang libreng internet ay ibibigay ng kumpanya sa pamilya kapag na-upload na sa website ng Twifi ang kopya ng birth certifcate ng bata.

Imahe mula sa Twifi

Ayon sa mag-asawa, ang matitipid nilang pera sa internet service sa loob ng labing-walong taon ay iipunin nila sa isang savings account para sa anak na magagamit sa pangangailangan nito sa hinaharap.

Ang libreng internet service  hanggang sa maging 18 years old si Twifia ay tutuparin kahit malugi pa ang kumpanya.

Ayon sa social media account ng Twifi, ang offer ay nananatili pa rin para sa mga future parents.

Loading…