Maja Salvador nagdiwang ng kaarawan; pinasalamatan ang kasintahan

  • Nagdiwang ng ika-32 kaarawan si Maja Salvador
  • Pinasalamatan niya ang boyfriend na si Rambo Nunez
  • Nagdiwang sila sa Amanpulo

Kamakailan lamang ay ipinagdiwang ni “Majasty” Maja Salvador ang kaniyang ika-32 kaarawan, at sadyang naging espesyal ito dahil na rin sa kaniyang boyfriend, na kaniyang pinasalamatan.

Makikita sa Instagram post ni Maja ang larawan nila ng kaniyang kasintahang si “Rambo Nunez” habang ipinagdiwang ang kaarawan ng aktres sa Amanpulo. Nakasakay silang dalawa sa isang yate o yacht.

Imahe mula sa Instagram account ni Maja Salvador

“My Dearest @rambonunez, Thank you for making my birthday special. ILY,” caption ni Maja sa kaniyang IG post noong Lunes, Oktubre 5, 2020.

Agad namang tumugon dito ang boyfriend ng simpleng “Of course.”

Sa Instagram post naman ng kaniyang boyfriend, nagbigay ito ng sweet message para sa aktres.

“Happy Happy Birthday My Love! Looking forward to many more of your birthdays in this wonderful journey with you. Keep being a blessing to everyone around you. I love you so much!”

Kinakiligan naman ng mga netizens ang naturang simpleng gestures ng magkasintahan para sa isa’t isa. Marami naman sa mga kasamahan ni Maja sa showbiz ang nagpaabot ng pagbati sa kaniyang kaarawan.

Sa isa pang Instagram post, pinasalamatan naman ni Maja ang mga kaibigan, kakilala, at mga tagahangang nagpaabot ng pagbati at nakaalala sa kaniya.

“”Thank you everyone for all the birthday wishes! So blessed and grateful to have so many amazing people in my life! Mahal ko kayo,” ani Maja.

Imahe mula sa Instagram account ni Maja Salvador

Matatandaang ang mga naging ex-boyfriends ni Maja ay sina Matteo Guidecilli at Gerald Anderson.

Inaabangan na ng marami ang susunod na kabanata sa showbiz career ni Maja, na mapapanood sa musical variety show na niluluto ng Brightlight Productions sa TV 5 “Kapatid” Network kasama sina Piolo Pascual, Catriona Gray, at marami pang iba.

Nauna na niyang sinabing susundan niya ang kaniyang ama-amahang si Johnny Manahan, na Chairman Emeritus ng talent-management arm ng ABS-CBN na “Star Magic,” matapos nitong tumanggap ng proyketo sa Kapatid Network.

Nagpasilip din siya sa kaniyang ginagawang proyekto na may working title na “Arisaka.”

Loading…