Malakanyang hinihikayat ni Sen. Recto na magtalaga ng ‘vaccine czar’

Imahe mula sa Facebook
  • Hinihimok ni Recto ang Palasyo na magtalaga ng isang ‘vaccine czar’
  • Malawak umano ang magiging trabaho ng ‘vaccine czar’ upang tiyakin na matuturukan ng bakuna ang 110 milyong Pinoy
  • Dapat ring siguruhin na mayroong maayos na imbakan ang mga bakuna

Hinimok ni Senador Ralph Recto ang Malakanyang na magtalaga ng ‘vaccine czar’ upang masiguro na ang lahat ng mamamayang Pilipino, 110 milyon sa kabuuan, ay makatatanggap ng bakuna kontra COVID-19.

Kailangan umano na habang maaga pa ay maayos na ang magiging imbakan ng vaccine upang hindi magkaroon ng problema sa pamamahagi nito.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Ralph Recto

Lalo pa umano na posibleng limitado lang ang bilang ng bakuna na makukuha ng Pilipinas dahil sa laki ng poupulasyon ng daigdig na nangangailangan nito. Dito raw ay mahalaga ang magiging papel ng ‘vaccine czar’ dahil sa hamon ng ‘importation to injection’.

“Ilan ang matitira para sa mga Pilipino? Countries that have sunk billions into their development have firm orders so they are first in line. Pang-ilan tayo sa mahabang linya?” wika ni Recto.

Kabilang rin umano sa magiging responsibilidad ng ‘vaccine czar’ ay tiyakin din na maiimbak sa maayos na cold storage facility na may freezing temperature ang mga gamot.

“Like any frozen delight, the vaccine needs to be refrigerated. Filling the cold chain gap ranks high in the vaccine czar’s many duties,” ayon sa mambabatas.

Imahe mula sa TrialSite News

Ang dapat na italagang ‘vaccine czar’ daw ay isang Pilipino na may “global stature, excellent connections and diplomatic skills” upang tiyakin na makukuha ang mga inorder na bakuna para sa Pilipinas.

Bukod dito, wala pa raw malinaw na guidelines ang gobyerno tungkol sa kung sino ang dapat na maunang maturukan ng bakuna pagkatapos ng mga medical personnel. Kailangan din daw na may post-inoculation monitoring dahil hindi pa rin matitiyak ang kaligtasan ng isang  bakuna, ayon na rin sa mga eksperto.

“Ang susunod na decision point ay sino ang tatanggap ng libre, sino ang subsidized at sino ang full pay?” tanong pa ng senador.

Loading…