Malaking bahagi ng mahigit P2-B na kinita ni Raffy Tulfo sa YouTube ginamit sa pagtulong

Screenshot mula sa "Raffy Tulfoin Action" YouTube channel
  • Kumita na ng mahigit dalawang bilyong piso ang YouTube channel ni Raffy Tulfo
  • Malaking bahagi ng kinikita sa YouTube ay ginagamit niyang pantulong sa mga kababayang nangangailangan
  • Mahigit na sa 15 million ang subscribers ng YouTube channel niyang “Raffy Tulfo in Action”

Tinatayang P2.1 billion na ang kinita ng YouTube channel ni Raffy Tulfo na “Raffy Tulfo in Action” na mayroong 15.2 million subscribers.

Imahe mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel

Siya ang nangunguna ngayong Pinoy celebrity na may pinakamaraming subscribers sa YouTube; nahigitan pa niya ang dalawa sa pinakapopular na mga artistang vloggers na sina Alex Gonzaga at Ivana Alawi.

Ayon sa Push, nakita nito ang record ng kinita ng Raffy Tulfo in Action Youtube channel kaya naitanong nito kung saan dinadala ni Mr. Tulfo ang kinikita bilang isang YouTuber.

“Malaking portion po no’n ay pinantutulong natin sa mga kababayan natin. So, may pinupuntahan naman po, para do’n sa mga nangangailangan,” ani “idol” Raffy.

Mabilis naman niyang inamin na hindi lahat ng kinikita sa YouTube ay napupunta sa charity. Aniya, may napupunta rin sa pangangailangan ng kanyang pamilya.

“And then of course, meron ding parte do’n na nagagamit ko. I’ll be lying pag sasabihin kong lahat napupunta one hundred percent do’n sa tulong. Meron din pong napupunta sa akin, sa pangangailangan ko, sa pamilya ko. Pero a big part of that money goes to helping the poor lalo na,” aniya.

Screenshot mula sa “Raffy Tulfoin Action” YouTube channel

Kapatid ni Raffy ang mga beteranong journalists na sina Ramon, Ben at Erwin at ang dating Tourism Secretary na si Wanda Tulfo Teo. Hindi na umano niya binibigyan ng pera ang mga kapatid dahil mayayaman na rin ang mga iyon.

“Mayaman sila, hindi ko na kailangang bigyan. Yung nanay ko na lang tinutulungan ko, pero ‘yung mga kapatid ko may mga pera sila, so hindi na nila kailangan ang mga tulong ko. Baka mainsulto pa sila pag binigyan ko sila ng pera,” natatawang sagot ni Raffy sa tanong kung nagbibigay siya ng pera sa mga kapatid.

Screenshot mula sa “Raffy Tulfoin Action” YouTube channel

Ibinahagi ni Raffy Tulfo na ang sikreto ng napakarami niyang subscribers at followers ay ang kanyang kredibilidad na nararamdaman daw ng mga viewers. Malalaman daw ng mga viewers kung ikaw ay namemeke lang o tunay na tumutulong sa mga nangangailangan.

Para sa kanya, “credibility is very important.”

Source :

Push, YouTube

Loading…