Malaking gagamba “kumiliti” sa tainga ng isang tuberong naka-earmuff

Screenshot mula sa video ni Olly Hurst via Facebook
  • Viral sa social media ang video ng malaking gagamba na nakita sa loob ng earmuff ng isang tubero
  • Naramdaman ng tubero na parang may kumikiliti sa kanyang tainga
  • Isang huntsman spider ang nasa loob ng earmuff
  • Isa sa mga pinakamalalaking gagamba ang huntsman spider

Nag-viral sa social media ang video na ibinahagi ng isang tubero mula sa Perth, Australia dahil sa malaking gagamba na nakita niya sa loob ng suot niyang earmuff o pantakip sa tainga bilang pananggalang sa lamig o ingay.

Screenshot mula sa video ni Olly Hurst via Facebook

Karamihan sa mga social media users na nakapanood ng video ay nakaramdam ng takot para sa tuberong si Olly Hurst. Sino ba naman ang hindi matatakot sa gagambang ang katawan ay lumalaki ng hanggang isang pulgada, mga galamay na humahaba ng hanggang limang pulgada at mabuhok pa?

Bangungot para sa karamihan ang naranasan ni Hurst.

Sa kabutihang-palad ay isang huntsman spider ang gustong manirahan sa kanyang earmuff. Ang naturang gagamba ay tinatawag na huntsman dahil sa kanilang liksi at paraan ng paghuli ng kanilang prey – hindi gumagawa ng sapot ang mga ito. Sa halip ay hina-hunting nila ang mga insektong sisilain. Isa ito sa mga pinakamalalaking gagamba.

Tulad ng karamihan sa mga gagamba, ang huntsman spider ay may taglay na venom, subalit halos walang epekto iyon sa mga tao.

Kwento ni Hurst, suot niya ang earmuff habang nagtatrabaho, pero hindi siya makapag-concentrate sa ginagawa dahil sa kiliting nararamdaman sa kanyang tainga. Nang alisin niya iyon ay nagulat siya nang makita ang huntsman spider sa loob.

Screenshot mula sa video ni Olly Hurst via Facebook

Kinalog at pinagpag ni Hurst ang earmuff para umalis ang gagamba, subalit hindi iyon natinag at nanatili pa rin sa loob niyon.

“I absolutely knew I could feel something tickling my ear. Hmmm, nasty it doesn’t want to come out. He’s happy in there,” ani Hurst.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens sa naranasan ni Hurst:

Oh my lordy….I’d scream then throw them and run far far away.”

“I am amazed that you didn’t have a heart attack when you saw what had been tickling your ear.”

“How do I delete this awful photo? I’m going to have nightmares for weeks!”

“Legend has it that the plumber was bitten by the spider and is now accepting bookings for overhead ceiling, high-rise and skyscraping pipe work – your friendly neighborhood spiperman.”

CLICK the image to watch the video by BC Perth

Loading…