Mangrove area, bahagi ng ilog sa Kawit, Cavite tinambakan ng lupa

Screenshot mula sa shot ng NBI drone
  • Magrove area at ilog sa Kawit, Cavite tinambakan ng lupa
  • Isang kumpanyang hindi pinangalanan ang gumagawa ng reclamation activities sa lugar na nagsimula pa noong Abril
  • Napag-alaman ng NBI na walang permit ang kumpanya para sa reclamation project sa lugar                                                                                                                                                                                                                       

Sa kuha ng drone ng NBI, makikita na halos isang ektarya na ang lawak ng natambakang mangrove area dahilan upang hindi na makita ang bahagi ng Ilang-Ilang River na natabunan na ng mga lupa. Makikita pa sa footage ang isang backhoe na nagtatambak ng lupa sa lugar.

Screenshot mula sa shot ng NBI drone

Ibinahagi ni NBI-ECD chief na si  Atty. Eric Nuqui na nagtungo sila sa tanggapan ng Provincial Environment and Natural Resources Office, Department of Environment and Natural Resources, National Water Resources Board, at Philippine Reclamation Authority upang alamin kung may permit ang ginagawang reklamasyon ng kumpanya na hindi pa pinapangalanan.

“Napag-alaman natin, base sa sertipikasyon na kanilang ibinigay, na pawang wala pong mga permits na ibinigay sa korporasyon na ito at sa entity na ito para magsagawa ng reclamation activity sa nasabing lugar,” pahayag ni Atty. Nuqui.

Binigyang-diin ng NBI ang kahalagahan ng mangrove area bilang proteksyon sa mga komunidad mula sa daluyong ng dagat kapag may unos.

“Ito ang unang pananggalang sa daluyong ng bagyo. At magiging less ang harmful effect ng mga bagyo kung merong mga mangrove areas na ito. Pero kapag pinutol mo nga ito lalong delikado ang epekto ng bagyo in the future. ‘Yung pagbaha dito sa Metro Manila. Ito ang isang napakalaking epekto pagka sinasarhan natin ang ating mga waterways dahil walang madadaanan ang tubig baha,” ani Atty. Nuqui.

Screenshot mula sa GMA video

Ayon sa NBI, ang reclamation activities na ginagawa ng kumpanya ay nagsimula pa noong Abril. Ipinatigil na ang operasyon at dinampot ang tatlong tao na nadatnan ng mga operatiba sa lugar.

Maraming netizens ang nagtatanong kung may pahintulot ba ito sa mga lokal na opisyal ng Cavite.

 

Source :

MSN, GMA Network

Loading…