‘Marawi heroes’ ginawaran ng presidential medals dahil sa kanilang kagitingan

Imahe mula sa AFP Facebook
  • Iginawad ang presidential medals sa mga buhay na bayani ng ‘Liberation of Marawi’
  • Nag-alay din ng bulaklak sa heroes wall para sa mga sinawimpalad sa krisis noong 2017
  • Tumanggap ng parangal ang 18 sundalo at 1 sibilyan mula sa Pangulo

Tatlong taon simula nang mapalaya ang lungsod ng Marawi mula sa kuko ng mga Maute, ginawaran ng medalya ang 18 sundalo at 1 sibilyan na itinuturing na mga buhay na bayani ng ‘Liberation of Marawi’.

Sa ginanap na seremonya nitong Lunes sa Lapu-Lapu Grandstand sa loob ng Camp Aguinaldo, kinatawan ni  AFP Chief of Staff General Gilbert Gapay si Pangulong Rodrigo Duterte upang gawaran ng parangal ang mga awardees.

Imahe mula sa AFP Facebook

“Your sacrifices and those of our fallen comrades have not been in vain as you have carved your marks deep in our history. And these shall continue to serve as a testament to our unrelenting [campaign] and shall also serve as inspiration in our continued fight against threats to our country’s peace and security,” ani Gen. Gapay sa kaniyang pahayag.

Kabilang sa ginawaran ng medalya sina Brig. Gen. Fabian Pedregosa at Col. Randy Pascua na tumanggap ng Order of Lapu-Lapu Rank of Kamagi dahil sa kanilang “exemplary service rendered in significantly advancing the advocacy of the President.”

Imahe mula sa AFP Facebook

Tumanggap naman ng Distinguished Conduct Star dahil sa kanilang “acts of conspicuous courage and gallantry in action” sina Colonel Jose Jesus Luntok, Captain Arnel Lozada, 2nd Lieutenant George Francisco, at Staff Sergeant Roland Saludes.

Samantala, iginawad din ang Chief of Staff AFP Commendation Medal and Ribbon (Interim)  kina Major General Generoso Ponio, Brigadier General Romeo Brawner Jr., Colonel Pompeyo Jason Almagro, Colonel Antonio Rota Jr., Lieutenant Colonel Jason Jumawan, Major Christopher Manimtim, Lieutenant Commander Noah Torres, Captain Jennylyn Tamacay, at Corporal Eric Collado.

Imahe mula sa AFP Facebook

Ang 55th Engineer “Mangumpiya” Brigade  naman ay nakatanggap din ng Chief of Staff AFP Commendation Medal and Ribbon (Interim); habang ang mga sugatang sina Army Corporals Edison Caturan at Johnson Federizon ay binigyan ng Wounded Personnel Medal.

Bukod dito, ang nag-iisang sibilyan na si Dr. Isabel Cojuangco-Suntay ay ginawaran din ng Order of Lapu-Lapu Rank of Magalong dahil sa kaniyang naiambag upang protektahan ang interes ng estado sa gitna ng Marawi crisis.

Imahe mula sa AFP Facebook

Bago pa man ito, pinangunahan din ni Gen. Gapay ang pag-aalay ng bulaklak at parangal sa heroes wall kung saan nakaukit ang pangalan ng mga sundalong sinawimpalad noon habang nakikipaglaban sa Maute.

“I share the honor and glory of every soldier of the AFP in giving our snappiest salute to all our heroes, the sung and the unsung, for all that they have done in the fulfillment of their sworn duties to protect and serve our nation and our people. Their service and their sacrifice is a legacy that will live on forever,” ani Gapay.

Loading…