Marinduque Rep. Lord Velasco hinggil sa term-sharing: “Ako ay tunay na lalaking may palabra de honor”

  • “Ako ay tunay na lalaking may palabra de honor”
  • Iyan ang pahayag ni Marinduque Representative Lord Allan Velasco
  • Kaugnay ito sa isyu ng term-sharing agreement nila ni House Speaker Alan Peter Cayetano

Mariing itinanggi ni Marinduque Representative Lord Allan Velasco na niluluto niya ang isang kudeta laban kay House Speaker Alan Peter Cayetano, na kamakailan lamang ay naging mainit na usapin sa kanilang pagitan ang term-sharing agreement, na iginigiit naman niyang kailangang matuloy sa ngalan ng “palabra de honor.”

Ani Velasco, “ka-cheapan” ang naiisip na alegasyon sa kaniya, na magsasagawa siya ng kudeta laban kay Cayetano.

Public Domain Image

“Uulitin ko ang binitiwang salita sa Pangulo at sa taumbayan. Ako ay tunay na lalaking may palabra de honor,” pahayag ni Velasco.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.

“Come to think of it. Nag-resign na nga si Cayetano pero hindi pinayagan ng mga kasamahan niya. So ibig sabihin, satisfied pa rin sila sa leadership,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Why are you so in a hurry to be a House Speaker? Think to yourself if you can do it especially your record in the house.”

“For me, wala namang mababago kahit magpalit pa ng House Speaker. The problems that we are facing are still there,” wika naman ng isa.

Sa ilalim ng term-sharing agreement, ang termino ni Cayetano bilang House Speaker ay sa unang 15 buwan lamang matapos siyang maluklok sa puwesto noong Hulyo 22, 2019, at si Velasco naman ang papalit sa kaniya sa huling 21 buwan ng 18th Congress.

Public Domain Image

Bagama’t ang claim ni Cayetano ay hanggang Nobyembre pa matatapos ang kaniyang speakership kinlaro naman ni Velasco na ang pagtatapos ng termino ni Cayetano ay hanggang Setyembre 30 lamang.

“The covenant was crystal clear: a 15-21 term-sharing agreement. The first term expires on September 30, after which the second term immediately begins. That was the pledge made before the President. As true leaders and as examples for our people, both sides are obligated to avoid situations or statements that would subvert the agreement and betray the trust of our people who’ve stood witness to the covenant,” pahayag ni Velasco.

Dagdag pa niya, “Trust and honor are values that are important, especially in these trying times. They reveal our true character and show what we, as leaders, are truly made of.”

Ang palabra de honor o sa Ingles ay “word of honor” ay inilalarawan bilang gentleman’s deal, o pagtupad sa napagkasunduang usapan.

Loading…