“Mas nag-mature”: Bugoy, EJ nakapag-adjust na bilang mga magulang

Image by Bugoy Carino via Instagram
  • Bugoy Carino at EJ Laure, nakapag-adjust na bilang mga magulang
  • Ani Bugoy, mas nag-mature siya at prayoridad na niya ang kapakanan ng anak kaysa sa sarili
  • Saad naman ni EJ, mas maayos na ang kanilang pagsasama at hindi na pinagtatalunan pa ang mga simpleng bagay

Nakapag-adjust na umano sina former Goin’ Bulilit star Bugoy Carino at volleyball player EJ Laure bilang mga magulang sa kanilang anak na si Scarlet, ‘yan ang pahayag ng dalawa sa panayam kasama si Tony Gonzaga sa I Feel U.

Image by Bugoy Carino via Instagram

Wika ni Bugoy, mas nag-mature na ang kanyang pag-iisip at prayoridad na raw niya ngayon ang kapakanan ng anak kaysa sa sarili. Hindi, aniya, naging madali ang pag-a-adjust pero unti-unti niya itong natutunan kasama ang kanyang mga magulang.

“Mas nag-mature siguro ‘yung pag-iisip ko. Mas isipin ko na ngayon ‘yung baby ko kaysa sa akin. Siyempre ganun naman po ang mga parents,” sabi nito.

Pahayag niya, “Siyempre po ‘nung una, hindi naging madali sa akin. Siyempre kasi hindi ko naman po alam kung paano maging daddy, kung paano alagaan ‘yung baby. Pero habang tumatagal, natutunan ko. Kasama ko po ‘yung mama ko ko, ‘yung family na nagga-guide sa akin. Habang tumatagal naman, natututunan ko and mas nagiging madali naman po.”

Dagdag pa ni Bugoy, pangarap na niya ngayon ang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mag-ina at ang pagkakaroon nila ng sariling bahay.

Image by Bugoy Carino via Instagram

Ani naman ni EJ, mas naging maayos na umano ang kanilang pagsasama at hindi na pinag-aawayan pa ang mga simpleng bagay.

Nabanggit pa nito na hindi na siya nagpapaapekto sa sinasabi ng iba, lalo na sa social media. Pinapayuhan din daw siya ni Bugoy na huwag nang intindihin ang mga ito yamang wala naman itong magagawa sa kanila at hindi ang mga ito ang nagpapalamon sa kanila.

Ipinakilala ng dalawa si baby Scarlet noong nakaraang buwan nang mag-celebrate si Bugoy ng kanyang ika-18 kaarawan kasama ang bagong pamilya.

Image by Bugoy Carino via Instagram

Loading…