May-edad nang pintor na nagbebenta ng artwork sa halagang P100, nakaaantig

Image by GMA News via Facebook
  • May-edad nang pintor, ibinebenta ang kanyang mga artworks sa halagang P100 hanggang P500 lamang
  • Marami ang nahabag sa kalagayan ng pobreng pintor at may mga nagpahayag ng pagnanais na tumulong
  • Komento ng isang netizen: “Sobrang underpriced at underrated ng mga gawa niya”

Hindi maipagkakaila na mahirap ang pamumuhay ngayong panahon ng pandemya, lalo na sa mga kagaya ni Mang Edgardo Lam na hikahos at umaasa sa arawang kita para may pantustos sa pangangailangan.

Umantig sa maraming netizens ang kuwento ni Edgardo kamakailan makaraang maibahagi ang kanyang kuwento sa Facebook page ng GMA News.

Image by GMA News via Facebook

Nabanggit na isang pintor ang may-edad nang lalaki at ibinebenta niya ang kanyang mga obra sa halagang P100 hanggang P500 lamang; ginagastos niya ang pera para may pangkain at pambili ng mga kakailanganin sa pagpipinta.

Nasabi pa ni Edgardo na namumulot siya ng mga sirang plywood at ito ay ginagamit niya sa kanyang mga paintings.

Kaya’t malaki ang pasasalamat nito sa mga sumusuporta sa kanyang mga obra at talentong ipinagkaloob ng Maykapal sapagkat malaking tulong ito para makaraos lalo na ngayong may pandemya.

Umabot na sa higit 10,000 reaksyon at nasa 15,000 pagbabahagi ang update habang ipino-post ito. Maraming netizen ang nahabag sa payat na pangangatawan ng pintor at mayroon namang nagpahayag ng pagnanais na bumili ng obra ng pobreng matanda.

“Sana may makapansin at makatulong sa mga gawa niya at may mag-offer para sa mga paintings niya, okay naman. Siguro kung noon pa may pumansin diyan baka sikat na siya at umaasenso na. Sana lang may makapansin na may kaluwagan sa buhay,” ang sabi ng isa.

Saad naman ng iba, “Sobrang underpriced at underrated ng mga gawa niya na kung susumahin ay mas maganda pa sa gawa ng ibang kilalang artists. Suportahan natin ang mga local artists.”

Nawa’y maraming magbahagi sa nakaka-touch na kuwentong ito ni Mang Edgardo at matulungan siya para mas mapaunlad pa ang estado sa buhay at makilala ang kanyang mga gawa. Godspeed.

Image by GMA News via Facebook
Source :

Facebook

Loading…