Meralco may kaunting pagtaas sa singil sa kuryente ngayong Oktubre

Imahe mula sa Meralco
  • Inaasahan ang kaunting pagtaas sa bayarin sa kuryente ngayong Oktubre
  • Ito ay dahil umano sa pagtaas ng generation charge bunsod na rin ng paglaki ng demand
  • Ayon sa Meralco, ito ang unang pagkakataon na tataas ang generation charge sa nakalipas na limang buwan

Nagbigay na ng abiso ang Meralco na magkakaroon ng kaunting pagtaas sa singil sa kuryente ngayong Oktubre dahil umano sa mas malaking ‘generation charge’.

Ito ang kauna-unahang pagtaas sa singil sa nakalipas na limang buwan kung kailan bumaba ang electricity cost, ayon sa power distribution company.

Imahe mula sa CEED

“This month’s increase in generation charge is mainly due to higher Wholesale Electricity Spot Market (WESM) charges, brought about by tightened supply conditions and higher demand,” paliwanag ng Meralco.

Ito ay nangangahulugan na madadagdagan ng P0.1212 kada kWh sa kunsomo ngayong Oktubre para  sa isang tipikal na konsyumer, o katumbas ng P24 sa billing ng isang residential na kumukunsumo ng 200 kWh kada buwan.

Ayon sa Meralco, tumaas ang generation charge mula P4.0860 kada KWh noong Setyembre hanggang P4.2233 ngayong buwan dahil na rin sa pagtaas ng demand.

“After being placed under MECQ in August, a rise in the Luzon demand was observed in September with the return to GCQ in Metro Manila and adjacent areas,” pahayag ng kumpanya.

Sa kabila ng pagtaas, mas mababa pa rin daw ang generation charge nang P0.5362 kada kWh kumpara noong Oktubre 2019 kung kailan pumalo ito sa P9.0862 kada kWh.

“The net rate reduction since the start of the year is still well over one peso per kilowatt hour,” dagdag pa ng Meralco.

Samantala ang transmission charge, taxes, at iba pang charges para sa mga residential customers ay bumaba rin ng kaunti sa P0.0161 kada kWh. Nanatili namang walang pagbabago sa distribution, supply, at metering charges na hindi rin tumaas sa nakalipas na 63 buwan simula noong 2015.

Loading…