Metro Manila mananatili sa ilalim ng GCQ hanggang November 30

Imahe mula sa CNNPH
  • Idineklara ni Pangulong Duterte na mananatili sa ilalim ng GCQ ang Metro Manila hanggang November 30
  • Ang bagong quarantine classification ay aprubado na, subalit maaari pang umapela ang mga local officials hanggang October 28
  • Kahit nasa ilalim ng GCQ, nagkasundo ang mga Metro Manila mayors na magluwag ng ilang quarantine rules upang umusad na ang ekonomiya

Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes, October 26, na ang Metro Manila na pinaninirahan ng labindalawang milyong residente ay pananatilihin sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) hanggang sa katapusan ng buwan ng Nobyembre.

Screenshot mula sa RTVM Facebook video

Bukod sa Metro Manila, ang Batangas, Iloilo City, Bacolod City, Tacloban City, Iligan City at Lanao del Sur ay ilalagay din sa GCQ sa loob ng isang buwan.

“Ang gusto ng karamihan, make it permanent because they have seen the goodness of the result. It has considerably lowered the number of people infected with the microbe,” ayon kay Pangulong Duterte.

“Palagay ko naman sa inyo rin itong kapakanan. Look, we are not here to make your life miserable or sad. We are here to make your life comfortable, and to make you happy,” dagdag pa ng Pangulo.

Ayon kay Department of Health Secretary Francisco Duque, III, ang bagong quarantine classification ay aprubado na, subalit nilinaw niya na maaari pang maghain ng apela ang mga local officials hanggang sa Miyerkules, October 28.

Ipinahayag naman ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na ang lahat ng mga alkalde sa buong National Capital Region ay nagkasundo na panatilihin ang GCQ sa rehiyon.

Imahe mula sa PCOO

Sa kabila nito ay magluluwag sila ng mga patakaran sa mga bagay na makatutulong sa pag-angat muli ng ekonomiya. Kabilang dito ang mas maluwag na patakaran sa mga pampublikong sasakyan at pagpapaiksi ng curfew hours.

Ang Metro Manila ay nasa ilalim ng GCQ noon pang Agosto.

Loading…