Mga anak ni Caridad Sanchez, magkaiba ng pananaw sa pinagdadaanan ng kanilang ina

Imahe mula sa Instagram ni Cathy Babao
  • Ibinahagi kamakailan ng anak na babae ni Caridad Sanchez na mayroong dementia ang aktres
  • Pinabulaanan naman ito ng kaniyang kapatid na lalaki
  • “Mild cognitive handicap that goes with aging” lang daw ang nararamdaman ng kanilang ina

Mistulang hindi magkasundo ang dalawang anak ng beteranang aktres na si Caridad Sanchez tungkol sa pinagdadaanan ng kanilang ina.

Unang ibinahagi ng babaing anak ni Sanchez na si Cathy Babao, isang grief counselor, na nakikipaglaban umano sa sakit na dementia ang kaniyang mahal na ina.

“My mother is fading. Day by day, week by week. It is the most difficult challenge of my adult life, next to losing my son,” bahagi ni Cathy sa kaniyang blog.

Imahe mula sa Instagram ni Cathy Babao

‘Anticipatory grief’; ito pa ang naging pagsasalarawan ni Cathy sa kaniyang pinagdadaanan ngayon. Aniya, “It is anticipatory grief because your heart shatters into tiny bits and pieces as the person you once knew and loved fades away. She’s there, but she’s not all there.”

“No one will mock her for her dementia, your revelations about her going through it is sure to benefit more people,” ito umano ang payo sa kaniya ng isang kaibigan.

Opportunistic timing?

Subalit kinontra ito ng kaniyang kapatid na si Alexander Joseph Babao at sinabing hindi dementia ang karamdaman ng 84 anyos na aktres kung hindi isang “mild cognitive handicap that goes with aging.”

Isa rin umanong paglabag sa privacy ng kanilang ina ang ginawang pagsasapubliko ni Cathy sa kalagayan ni Caridad Sanchez.

Imahe mula sa Instagram ni Alexander Joseph Babao

“I Alexander Joseph S. Babao, son of Caridad Sanchez Babao, was shocked by the article published by my sister which was done without permission, violating the privacy, legacy and honor of my Mother,” ayon sa opisyal na pahayag ni Alex.

“My Mom has a mild cognitive handicap that goes with aging. But it is unfair for her to be disrespected like this,” wika pa nito.

Dagdag pa ni Alex, noong nasa pangangalaga niya ang kanilang nanay, malakas pa ito at nakakausap niya nang maayos. Nagpasalamat din siya sa patuloy na sumusuporta sa kanilang ina.

“However I question the opportunistic timing of its publication by my sister,” anito.

Nothing shameful

Sinagot naman ito ni Cathy sa kaniyang pinakahuling Instagram post. Ayon sa kaniya, wala siyang intensiyon na i-disrespect ang katauhan ng kaniya sariling nanay. Wala rin umanong dapat ikahiya sa pagkakaroon ng dementia.

“There is nothing shameful about admitting that a loved one has dementia. It’s a condition that afflicts a huge percentage of the senior population,” paliwanag ng grief counselor.

Imahe mula sa Instagram ni Cathy Babao

Ang kailangan daw ng taong may dementia ay oras, pasensiya, pagmamahal, pag-unawa, at respeto. Giit pa ni Cathy, alam niyang malakas pa si Caridad Sanchez dahil nakakalakad pa ito nang walang alalay.

Subalit ang memory umano ng aktres ang naapektuhan ng dementia.

“It is the dementia that is affecting her memory. It is a fact that I have now accepted with all my heart,” ayon kay Cathy.

Loading…