Mga challenges sa distance learning ramdam na ng mga guro

Imahe mula sa DepEd
  • Mga pagsubok sa distance learning ramdam na ng mga guro
  • Sa Lunes, October 5, ay magsisimula na ang klase
  • Sinabi ng DepEd na napakahalaga ng partisipasyon ng mga magulang upang magtagumpay ang distance learning

Sa Lunes, October 5, ay magsisimula na ang distance learning, ngunit ngayon pa lang ay ramdam na ng mga public school teachers ang mga pagsubok na haharapin sa pagsisimula ng klase.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Ilang araw pa bago magpasukan, nagpraktis na si Teacher Emily at mga estudyante niyang kindergarten kung paano gawin ang leksyon gamit ang computer at internet. Idinadaan lang daw niya sa ngiti at lakas ng boses upang makuha ang atensyon ng mga  batang mag-aaral.

Ilan sa mga bata ay sanay nang gumamit ng computer, ngunit may iba naman na sa iba nakatingin. Paminsan-minsan ay may naririnig na ingay si teacher Emily na hindi matukoy kung saan nanggagaling.

May mga estudyante rin na biglang nawawala sa computer screen. Sa palagay ng guro ay nawalan sila ng signal sa internet.

At dahil halos magkakapitbahay lang naman sila ng kanyang mga tinuturuan, hindi raw maiwasan na minsan ay matitigil ang leksyon dahil nagpupunta ang ilang magulang para magpaturo sa kanya kung paano gamitin ang gadget para makapasok sa online class.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Anang guro, kung sa pisikal na classroom ay mahirap ang pagtuturo sa mga paslit, lalo na raw ngayon sa online classes.

Pahayag ng Department of Education, ang ipinamamahaging materyales para sa mga estudyante at guro ay ayon sa kanilang sitwasyon. Online class kung mayroong gadget at internet connection; modular o printed materials kapag walang gadget; radyo at telebisyon kung iyon lang ang magagamit sa bahay ng mga mag-aaral.

Ayon kay DepEd Undersecretary Jesus Mateo, napakahalaga ng partisipasyon ng mga magulang sa distance learning para sa ikatatagumpay nito.

Imahe mula sa DepEd

 

Source :

YouTube

Loading…