Mga delivery riders muling naloko ng prankster sa Las Piñas; P20K order na pagkain ‘di nabayaran

Imahe mula kay Josiah Antonio via DZMM
  • Mahigit 10 delivery riders ang muling naloko ng isang prankster sa Las Piñas
  • Nagpa-deliver ito ng mahigit P20,000 na halaga ng pagkain sa isang walang kamalay-malay na maybahay
  • Ito na ang pangalawang pagkakataon na may kaparehong pangyayari sa lungsod

Muli na namang nakapanloko ang prankster na nagpa-deliver ng pagkain na kaniyang inorder online at saka hindi sisiputin ang mga riders na magdadala nito.

Base sa mga ulat, mahigit 10 delivery riders ang dumating sa isang bahay sa BF Resort Village, Las Piñas at dinatnan ang isang babae na nagulat dahil wala naman siyang ino-order na pagkain.

Imahe mula kay Josiah Antonio via DZMM

Gamit umano ang pangalang ‘Marl dela Cruz’, umabot sa mahigit P20,000 ang halaga ng pagkaing in-order ng prankster noong Lunes.

Ayon sa maybahay na siyang nadatnan ng mga riders at siya ring nag-upload ng video, may nag-door bell daw sa bahay nila at nagtanong kung may delivery sila.

“Sabi ko, ‘kuya, wala akong order sa ’yo.’ Sabi niya, ‘nako, ma’am, naloko po kami. Ito po hindi ko na po matawagan,” kuwento ng babae.

“Sabi niya, ‘ma’am, marami po kami.’ Sabi ko,  ‘anong marami?’ Tapos maya-maya datingan po ‘yong mga delivery,” wika pa nito sa panayam ng GMA News.

Hindi umano sila gumagamit ng  mga food delivery apps kaya nagtataka siya nang magsidatingan ang mga order na pagkain.

Imahe mula kay Josiah Antonio via DZMM

Naawa raw siya sa mga riders na naghahanapbuhay kahit may pandemya para lang magkaroon ng kita kahit paano.

“Naaawa ako sa mga tao. Nakita ko po ‘yong isang driver na bata pa siya. Para siyang taranta kasi siguro wala pang kita. ‘Ma’am,’ sabi niya ‘Bigyan ko po kayo ng chicken?’ Sabi ko, ‘nako, kuya, ‘wag,’” aniya.

Nakiusap rin ito sa sinumang nasa likod ng prank na tigilan na ang panloloko dahil hindi ito magandang biro.

10+ Food Delivery Riders Get Pranked by One Person with Fake Address

Noong Setyembre lamang, isa ring prankster ang nagpadeliver ng mga pagkain sa isang bahay sa Pilar Village, sa Las Piñas din, gamit ang pangalang AJ Pande.

Mahigit 10 delivery riders din ang nabiktima ng nasabing manloloko na hanggang ngayon ay hindi pa alam ang pagkakakilanlan.

Loading…