Mga errors na nakita sa modules, umabot na sa 41 ang naireport –  DepEd

Imahe mula sa DepEd-Facebook
  • Umabot na sa 41 ang bilang ng naiulat na errors sa modules ng DepEd
  • Karamihan ay factual at computational errors, habang ang iba naman ay mali sa grammar at format
  • Hinahanap naman nila ngayon ang ilang mali na una nang naibahagi sa social media.

Mahigit dalawang linggo simula nang magbukas ang online learning sa mga pampublikong eskuwelahan, lalo pang nadaragdagan ang mga mali sa modules na naiulat sa kanila, ayon sa Department of Education (DepEd).

Sa ginanap na online press briefing nitong Biyernes,  ibinahagi ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio na kabilang sa mga maling napansin at naireport sa kanila ay factual at computational errors, at mali sa grammar at format.

USec San AntonioI Imahe mula ssa DepEd Tayo Facebook

Ang kasalukuyang minomonitor nila ay nasa 41 na errors sa module, ani San Antonio.

Kabilang din dito ang mga nadobleng entries sa mga suhestiyong katanungan mula sa You Tube lessons. Umabot naman daw sa 27 ang mga erros na gawa ng field offices ng DepEd at hindi dumaan sa kanilang central office.

“Pag locally developed ang SLMs, sila po ang mag-i-issue ng errata at may nakapag-report na sa amin na nakapag-issue na ng errata,” paliwanag ni San Antonio.

Imahe mula sa Facebook

Samantala, 10 umano sa naiulat sa kanilang mali ay hindi nila makita kung saan nanggaling.

“Ang gusto rin po natin bigyang diin ung napaka-glaring na error na na-ano po talaga ang DepEd. ‘Yung ostrich ay hindi pa rin po namin ma-locate,” anang opisyal.

“So I’ve been appealing to our media partners and friends to help us locate kung saan ito ginagamit. Kasi hindi po namin mahanap kung anong division o school ang gumawa nito,” apela pa ni San Antonio.

Imahe mula sa Twitter

Kaugnay nito, naglunsad na ang DepEd ng Error Watch platform upang maitama ang anumang pagkakamali sa modules.

Bukas rin umano sila sa mga third party na gustong tumulong upang ma-proofread ang ginagawang learning materials para sa mga estudyante.

Loading…