Mga gurong hataw sa pagsayaw, hinangaan

Imahe mula sa Facebook | Lory Literal
  • Hanga ang netizens sa mga guro na todo sa pagsayaw upang mahawaan ng energy ang kanilang mga estudyante
  • Paliwanag ng isang guro, batid niyang mas madaling matuto ang mga bata kapag may masayang learning environment
  • Nagpasalamat naman ang iba dahil ginagawa ng mga guro ang lahat upang matuto ang mga estudyante sa new normal setup

Kinabiliban ng netizens ang mga guro sa isang pribadong paaralan sa Muntinlupa dahil sa extra effort nila upang mapanatili ang atensyon ng mga estudyante sa online classes.

Imahe mula sa Facebook | Lory Literal

Ibinahagi ni Teacher Lory Literal ang video ng kaniyang mga kasamahang sina Teachers Len Dela Pena at Tinn Diesta na hataw sa pagsayaw habang nagtuturo sa kanilang mga estudyante. “Oh ‘di ba, tuloy pa rin ang learning? Being a pre-school teacher be like,” sabi niya sa caption.

Sa isang panayam sa 24 Oras ay sinabi ni Teacher Lory na kasama raw ang pagsayaw sa simula ng klase ng kaniyang mga kapwa guro.

“Lagi niya naman pong ginagawa iyon every time na mag-start ‘yong klase niya. And then nung vinideo ko po siya, nagulat ako na nadoon si Teacher Tin sa side, sumasayaw na rin… Natuwa lang po talaga kami doon sa video kaya inupload namin sa Facebook,” pahayag ni Teacher Lory sa parehong interview.

Imahe mula sa Facebook | Lory Literal

Paliwanag naman ni Teacher Len, nais niyang gawing masaya ang new normal learning para sa kaniyang mga estudyante. “Sabi nga po nila, children learn best when they are having fun,” dagdag niya.

Samantala, si Teacher Tinn naman, ang guro na bigay na bigay sa gilid, ay sinabing itinodo niya talaga and energy nang sa gayon ay hindi mawala ang focus ng kaniyang mga learner.

“Paano kaya kung ibigay natin yung dobleng energy pa para at least makahawa po tayo ng energy sa students?” aniya.

Umani naman ng papuri ang mga gurong ito dahil sa kanilang effort para sa kanilang mga estudyante. “I salute all the teachers na gumagawa ng paraan o technique para mas matuto pa ang mga estudyante,” sabi ni B. Co.

“Salute to all teacher, who, despite the many challenges in this new normal setting, are still dedicated to their profession,” papuri naman ni CJ P.

Saludo sa ating mga kaguruan!

 

Loading…