Mga mamamayang nasa edad 15 hanggang 65 puwede nang lumabas ng bahay

Imahe mula sa PNA
  • Pinapayagan na ng IATF na makalabas ng bahay ang mga mamamayang nasa edad 15 hanggang 65
  • Layunin ng IATF na pasiglahin ang ekonomiya na inilugmok ng pandemya
  • Batay umano sa siyensya at datos ang desisyon na ito ng IATF

Sa layuning pasiglahin ang ekonomiyang nalugmok dahil sa pandemya ay pinalawig ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang edad ng mga mamamayan na papayagang makalabas ng kanilang mga tahanan.

Imahe mula sa PNA

Mula sa dating 21 to 60 age bracket, papayagan nang makalabas ang mga nasa edad mula 15 hanggang 65.

Ipinaliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang mga local government units ay maaaring magtakda ng mas mataas na edad para sa mga menor de edad na papayagang lumabas, depende sa situwasyon ng COVID-19 sa kanilang nasasakupan.

“Local government units may impose a higher age limit for minors, depending on the COVID-19 situation in their respective jurisdictions,” aniya.

Ang desisyon ng IATF na ibaba ang quarantine age restrictions ay batay umano sa siyensya at mga datos, ayon kay Sec. Roque sa isang virtual press briefing nitong Biyernes, October 16.

Aniya, batay sa mga naging karanasan sa iba’t ibang panig ng mundo, ang case fatality rate ng mga nasa edad 15 hanggang 20 ay mababa lang kumpara sa mga mas matatanda.

Imahe mula sa Foreign Policy

“Global experience has shown that the case fatality rate and severity of sickness between 15 and 20 years old vis-à-vis those who are 65 years old and above is much less as younger people have fewer health risks while there is a prevalence of immunodeficiency and comorbidity among senior citizens who would be better off at home,” ani Roque.

Bukod sa pagluluwag sa age restriction, isinusulong din ng pamahalaan ang mas maikling curfew hours. Mula sa dating 10 pm to 5 am ay inirerekomenda na gawin itong 12 midnight to 4 am.

 

Loading…