Mga mambabatas kabilang sa iimbestigahan ng anti-corruption task force – Palasyo

Imahe mula sa CNN PH
  • ‘Buong gobyerno’ ang iimbestigahan umano ng binuong anti-corruption task force
  • Kabilang na rito ang mga mambabatas ng Kongreso, ayon kay Roque
  • Tiniyak naman ng DOJ na kanilang kakasuhan ang mga opisyal na mapatutunayang sangkot sa katiwalian

Ang buong gobyerno, kabilang na ang mga mambabatas sa Kongreso, ang iimbestigahan ng anti-corruption inter-agency task force na binuo ng Malakanyang kamakailan.

Iginiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang binuong National Prosecutors Office, na pangungunahan ng Department of Justice (DOJ), ay may mandato na suriin ang lahat ng sangay at opisina ng pamahalaan.

Imahe mula sa NEDA

Ani Roque, bagama’t mayroong immunities ang mga nakaupong mambabatas sa Kongreso, hindi kasama rito ang sa paglabag sa anti-graft laws.

“So, kasama po ang lahat po ng mga public offices [sa imbestigasyon] despite the separation of powers dahil wala naman pong separate na ahensiya na nag-iimbestiga ng korapsiyon sa Kongreso mismo. Iyan po ay kapangyarihan ng ehekutibo, to implement the laws to all kahit sino pa man sila,” paliwanag ni Roque.

Ganito rin ang pananaw ni Justice Secretary Menardo Guevarra na sinabing iimbestigahan rin nila ang mga mambabatas at opisyal ng mga sangay ng gobyeron kapag ang mga ito ay sangkot sa katiwalian at kakuntsaba ang executive department.

Sec. Menardo Guevarra/Imahe mula sa Presidential Photos

“Natural dahil kung ‘yun ay incidental to the investigation of an executive agency kung may part sa isang criminal act, di naman natin tinitingnan kung siya ay miyembro ng Kongreso, hudikatura o executive department,” wika ni Guevarra.

Kaugnay nito, ibinahagi rin ni Guevarra na limang ahensiya ang kanilang tutukan at ang mga ito ay ang Philhealth, Bureau of Customs (BOC), Bureau of Internal Revenue (BIR), Land Registration Authority (LRA), at ang Department of Public Works and Highways (DPHW).

Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang tutukan ng imbestigasyon ang DPWH bagama’t naniniwala umano siya na hindi sangkot sa katiwalian si Secretary Mark Villar kung hindi ang mga tauhan lamang nito sa ‘ibaba’.

Imahe mula sa Four Sqaures

Sa ilalim ng binuong task force, maaaring bumuo ang DOJ ng iba pang panels kapag kinakailangan at mayroon din silang kapangyarihan na imbitahan o atasan ang iba pang ahensiya na tumulong sa imbestigasyon.

“The DOJ shall prosecute and file the appropriate charges against those involved in the anomalies,” pagtitiyak ni Guevarra.

Ang order na ito ng Pangulo ay mananatiling epektibo hanggang sa ika-30 ng Hunyo, 2022, ang petsa ng takdang pagbaba ni Duterte sa puwesto.

Loading…