Mga mangingisda sa Taytay babayaran sa bawat kilo ng water lily na makokolekta sa Laguna Lake, Pasig River

Screenshot mula sa MB online video
  • Nakipagtulungan ang DENR sa Taytay LGU upang mahakot ang mga water lily na sumakop na sa halos buong Pasig River
  • Babayaran ng P1.50 kada kilo ng water lily na mahahakot ng mga mangingisda ng Taytay
  • Nananawagan din ang DENR sa mga taong maaaring may paggagamitan sa mga water lily

Nakipag-partner ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa local government unit ng Taytay, Rizal sa pangunguna ng alkalde nitong si Mayor George Ricardo Gacula III para maalis ang mga water lily o water hyacinth na sumakop na sa halos buong Pasig River at iba pang mga basurang itinapon sa ilog.

Imahe mula sa Tribune

Nakipagpulong ang si DENR Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Units Concerns na si Benny Antiporda at Mayor Gacula noong Lunes, October 26, sa Samahan ng mga Mangingisda sa Lawa ng Taytay upang mapag-usapan ang pamamaraan ng pangongolekta ng water lily kapalit ng cash.

“It’s a joint project to clear Pasig River of water hyacinths that go downstream. For this to be addressed, a concerted joint effort among local government units is needed, and Taytay was chosen as pilot area,” sabi ni Vic Badaguas, hepe ng Taytay General Services Offices.

Aniya, lilinisin ng mga mangingisda ang mga water lily sa Laguna Lake upang hindi na iyon mapadpad patungo sa Pasig River at sa Manila Bay.

Babayaran ang mga mangingisda ng P1.50 kada kilo ng water lily na makakahot nila ula sa lawa. Dadalhin nila ang mga iyon sa buying station na itatalaga.

Screenshot ng FB post ng DENR

Ayon kay Usec. Antiporda, sisimulan nila ng proyekto sa 10 hanggang 20 mangingisda. Nakikipag-ugnayan na rin ang DENR sa mga recycling companies.

Nananawagan din ang DENR official sa mga taong maaring may paggagamitan sa mga water lily.

 

Source :

Facebook, Tribune

Loading…