Mga menor de edad, bawal pa rin sa internet café kahit para sa online classes

Imahe mula sa PNA
  • Hindi pa rin papayagan ang mga minors sa loob ng internet café kahit magsimula na ang online classes sa October 5
  • Mahigpit na binilinan ng JTF ang mga police commanders na bantayan ang mga internet shops sa kanilang nasasakupan
  • Ang mga internet shops ay isa sa mga negosyong pinayagan nang makapag-operate upang pasiglahin ang ekonomiya na lubos na naapektuhan ng pandemya

Hindi pa rin papayagan ang mga menor de edad na pumasok sa mga computer shops o internet café kahit magbukas na ang klase sa ika-5 ng Oktubre.

Imahe mula sa Philippine News

Sinabi ni Joint Task Force COVID Shield commander na si Lt. Gen. Guillermo Eleazar na mahigpit pa rin nilang ipatutupad ang “no minors allowed” policy sa loob ng mga internet shops. Ito ay kahit ang rason ng pagtungo roon ay para sa online classes.

“We understand that a number of elementary and high school students in the public schools do not have computers, laptops, and other gadgets for the opening of classes so there maybe some of them who would go to the internet shops for their online classes for the use of computers and to avail of internet connections,” pahayag ni Lt. Gen. Eleaazar.

Ang mga internet shops ay isa sa mga negosyong pinayagan nang makapag-operate upang pasiglahin ang ekonomiya na lubos na naapektuhan ng pandemya, subalit ipinaalala ni Eleazar sa mga internet shop owners na mahigpit pa rin na ipinagbabawal ang mga menor de edad sa loob ng kanilang establisimyento.

Imahe mula sa TAB

Inatasan niya ang mga local police commanders na mahigpit na bantayan ang mga computer shops sa kanilang nasasakupan upang maipatupad ang patakaran. Dapat rin aniyang makipag-ugnayan sila sa mga local officials sa pagpapatupad ng health and safety protocols.

“Our commanders on the ground should take the lead not only in reminding the internet shop owners that minors should not be allowed to enter in accordance of the guideline of the Inter-Agency Task Force on the Management of the Emerging Infectious Diseases but also in making sure that this and other rules are strictly and properly observed,” wika ni Eleazar.

Umapela rin siya sa internet shop owners na regular na magsagawa ng disinfection sa kanilang establisimyento upang matiyak ang kaligtasan ng mga customers.

Imahe mula sa YasTeq
Source :

PNA, GMA Network

Loading…