Mga negosyong pinayagan ng DTI na mag-full operation sa GCQ areas

Imahe mula sa Philippines Report
  • Maraming negosyo sa GCQ areas ang pinayagan na ng DTI na makapag-full operation
  • Naobserbahan ng DTI na ang mga naturang negosyo ay nakasusunod sa minimum health and safety protocols
  • Ang pagpapataas ng operational capacity ng mga negosyo ay mahalaga upang mapasigla ang ekonomiya at matugunan ang dumaraming bilang ng mga nawalan ng hanapbuhay

Karamihan ng mga business establishments sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ay pinayagan na ng Department of Trade and Industry (DTI) na makapag-operate ng 100 percent capacity simula ngayong Sabado, October 3.

Imahe mula sa One News

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 20-52, itinaas ng DTI ang pinapayagang operational capacity ng mga negosyong nasa Category II at III.

Batay umano sa regular monitoring activities na isinagawa ng DTI sa pamamagitan ng Fair Trade Enforcement Bureau at ng mga regional at provincial offices nito, naobserbahan na ang mga establisimyento na hindi pa 100% operational sa GCQ areas ay nakakapag-comply sa minimum health and safety protocols.

Dahil doon ay pinayagan na ang mga naturang negosyo na makapag-full operation. Bagama’t pwede na ang 100% operational capacity, maaari pa rin namang ipatupad ang work-from-home arrangement.

Isina-alang-alang din ng DTI ang pagbagal ng doubling rate ng COVID-19 sa GCQ areas sa ginawang pagpapataas ng operational capacity ng mga negosyo.

Imahe mula sa DTI

Kailangan din kasing patatagin ang mga negosyo, pasiglahin ang ekonomiya sa gitna ng COVID-19 pandemic, at upang matugunan ang tumataas na bilang ng mga nawalan ng hanapbuhay at ang kagutumang nararanasan ng maraming pamilyang Pilipino.

Para sa kumpletong listahan ng mga negosyo sa GCQ areas na maari na ang full operation, basahin ang Memorandum Circular na inilabas ng DTI o kaya naman ay bisitahin ang Facebook page ng ahensya.

I-click ang larawan upang mabasa ang memo:

Screenshot ng memorandum circular 20-52

 

Loading…