Mga netizens namangha sa batang babae na mahilig maglaro ng nakakatakot na manika

Imahe mula sa Pixabay
  • Isang batang babae ang nag-viral sa social media dahil sa kakaiba niyang doll collection
  • Ang mga manika ay hango sa mga karakter sa horror films
  • Nahahasa ang imahinasyon ng mga bata sa paglalaro ng mga dolls

Alam n’yo ba na maraming benepisyo para sa mga bata ang paglalaro ng mga manika?

Ang paglalaro ng manika ay mahalaga para sa development ng mga bata. Ang manika ay hindi lang basta laruan para sa mga bata – maaari rin silang maituring na kaibigan o campanion.

Imahe mula sa Pixabay

Nailalabas ng mga bata ang kanilang pagiging malikhain o creativity sa paglalaro ng mga manika. Ang mga batang mahiyain ay natututong makihalubilo sa kapwa bata kapag naglalaro nito.

Bukod sa creativity, nahahahasa rin ang imahinasyon ng mga bata sa pamamagitan ng paglalaro ng manika. Sabi nga ni Albert Einstein, “Imagination is more important than knowledge.”

Dahil sa magagandang benepisyong dulot ng doll playing ay dapat daw nating hinahayaan ang mga bata na maglaro nito upang mahasa hindi lang ang imahinasyon at pagkamalikhain kundi maging ang kanilang pagiging maunawain sa damdamin ng kapwa.

Ayon sa  mga eksperto, ang paglalaro ng manika ay hindi lang para sa mga batang babae. Maaari rin ito sa mga batang lalaki.

Kamakailan, isang batang babae ang nag-viral sa social media dahil sa larawan ng koleksyon niya ng mga manika. Kaiba kasi sa mga nakasanayang baby dolls o Barbie dolls, kabilang sa koleksyon niya ng mga manika ay sina “Freddie Kreuger,” “Chucky,” Annabelle” at “Tiffany Valentine” – mga karakter sa mga pelikulang katatakutan.

Imahe mula kay Jokey Robles via Facebook

Maraming netizens ang namangha at humanga sa kakaiba niyang doll collection kaya nag-viral ang naturang post na ngayon ay may mahigit 32,000 reactions at 32,000 shares. Mahigit limang libo rin ang nagbigay ng komento.

Ayon sa ama ng bata, na siyang nagbahagi ng larawan sa social media, nabili pa nila ang mga manika sa isang toy store sa ibang bansa.

Aniya, hindi rin naman naiiba ang anak nila sa ibang mga bata dahil bukod sa pagiging mahilig nito sa mga spooky dolls ay nag-e-enjoy din itong maglaro ng mga manikang kawangis ng mga prinsesa sa fairy tales.

Imahe mula kay Jokey Robles via Facebook
Source :

Facebook, Lottie

Loading…