Mga residenteng nasa 18-65 age bracket posibleng payagan nang makalabas ng bahay

Imahe mula sa business Mirror/DOH
  • Metro Manila mayors planong i-adjust ang edad ng mga mamamayan na papaygang makalabas ng bahay
  • Sa kasalukuyan, ang puwede lang lumabas ng tahanan ay ang nasa 21 to 60 age bracket
  • Ang recommendation ng mga alkalde ng Metro Manila ay gawing 18 to 65 ang age bracket na puwedeng lumabas ng bahay

Pinag-iisipan ng Metro Manila Council, na binubuo ng mga alkalde sa National Capital Region, na payagan ang mas maraming mamamayan na makalabas ng kanilang mga tahanan sa gitna ng ipinatutupad na mga quarantine rules.

Imahe mula sa Daily Tribune

Sa ngayon, marami pa rin ang mga mamamayan na pinagbabawalang makalabas ng bahay – ito ang mga mas bata sa 21 years old at mas matanda sa 60 years old, na itinuturing na most vulnerable sector ng bansa sa panganib na dala ng COVID-19.

Batay sa guidelines ng Inter-Agency TaskForce for the Management of Emerging Infectious Diseases, ang pinapayagan lang makalabas ng bahay ay ang nasa age bracket na 21 to 60.

Dahil sa mga panawagan, pinag-aaralan na ng mga Metro Manila mayors ang posibilidad na payagan na ang mas maraming mamamayan na makalabas ng kanilang mga tahanan. Ia-adjust sa 18 to 65 ang age bracket na papayagang makalabas.

“Nagkaroon po kami ng recommendation doon po sa adjustment sa atin pong mga “persons (allowed) to go out.” Kasi ngayon po, ang edad po ay 21 to 60. Ang aming recommendation, baka puwedeng gawing 18 to 65 na po ang mga taong puwedeng lumabas ng kanilang tahanan,” pahayag ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez, ang chairman ng MMC.

Imahe mula sa Facebook account ni Mayor Edwin Olivarez

Ayon pa kay Mayor Olivarez, tutlol ang MMC na iksian ang  10 p.m. to 5 a.m. curfew hours. Nilinaw naman niya na ang mga APOR o authorized persons outside of residence tulad ng mga workers ay exempted sa curfew hours.

Source :

Tribune, YouTube

Loading…