Mga senador kinastigo ang NEA dahil sa mga posteng nakahambalang sa gitna ng kalsada

Imahe mula kay Sen. Gatchalian via ABS-CBN News
  • Pinuna ng mga senador ang mga poste na nasa gitna ng kalsada
  • Binalaan ni Drilon na ipagpapaliban nila ang budget ng NEA kapag hindi ito naaksiyunan
  • Nangako naman ang NEA na patuloy pa rin ang kanilang relocation

Binalaan ng ilang senador na ide-defer ang budget ng Nationla Electrification Administration (NEA) kapag nabigo ang huli na aksiyunan ang mga poste ng kuryenteng nakatayo sa gitna ng kalsada.

Ayon sa mga mambabatas, marami ang ganitong sitwasyon sa iba’t-ibang bahagi ng bansa at lubha umano itong mapanganib sa mga motoristang nagdaraan lalo na sa gabi.

Imahe ni Dona Magsino mula sa Twitter

Kapwa hiningan ng konkretong plano nina Senador Frank Drilon, Nancy Binay, Imee Marcos at Sherwin Gatchalian ang NEA tungkol sa problemang ito.

“This is a matter of public concern – a matter of safety and better use of public funds- because billions are poured into the widening of our road networks and, yet, these are wasted because there is no effort to remove these public hazards,” ani Drilon sa ginanap na budget hearing sa Senado nitong Miyerkules.

Madalas umano na kapag nag-road widening ang DPWH ay naiiwan ang poste sa gitna at kinalaunan ay nagiging parking space at mga tindahan na ito sa ilalim.

“It’s really been a problem which has not been attended to. You have spaghetti wires on top and a parking lot below at the bottom,” wika pa ng senador.

Para naman kay Senador Nancy Binay, kailangang mauna muna ang relocation ng poste bago ang road widening.

“Dapat bago mag-road widening ilipat muna nila ‘yung poste kasi ‘di ba isipin mo, gawa na ‘yung kalsada, iuusod mo ang poste, so may butas doon ngayon na kailangan buhusan ng semento,” ani Binay.

Imahe ni Dona Magsino mula sa Twitter

Sang-ayon naman dito si Senador Sherwin Gatchalian, ang chairman ng Senate committee on energy. Ani Gatchalian, malinaw na kakulangan sa coordination ang naging problema.

“It made the road widening actually useless because the poles of electric utilities are virtually in the middle of the widened road,” ayon naman kay Gatchalian.

Dahil dito, tiniyak ni NEA Administrator Edgardo Masongsong na patuloy pa rin ang kanilang relocation ng mga probelmadong poste.

Kulang daw kasi sila sa budget dahil sa P4-B na kanilang hinihingi para sa nasabing gawain ay P400-M lamang ang narelease sa kanila.

Loading…