Mga tsuper ng jeep na magbababa’t magsasakay ng pasahero sa EDSA, pagmumultahin – MMDA

Imahe mula sa Auto Deal
  • Pagmumultahin ng MMDA ang mga jeepney drivers na magsasakay at magbababa ng mga pasahero sa kahabaan ng EDSA
  • Napansin ng MMDA na nagbababa’t nagsasakay ng pasahero ang mga tsuper na may rutang Project 8, Quezon City-Arroceros, Manila sa kahabaan ng EDSA
  • Sa susunod na linggo na ipatutupad ng MMDA ang pagpapataw ng multa

Sa susunod na linggo ay papatawan na ng multa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga tsuper ng pampasaherong jeep na magsasakay at magbababa ng mga pasahero sa kahabaan ng EDSA.

Imahe mula sa ABS-CBN

Babala ni Bong Nebrija, ang MMDA traffic operations chief, napansin nila na ang ilan sa mga jeepney drivers na may rutang Project 8, Quezon City-Arroceros, Manila ay nagbababa’t sakay ng mga pasahero sa naturang pangunahing kalsada simula nang isara ang U-turn slot malapit sa Panorama Building sa Quezon City.

“There are no jeepney stops on EDSA, and we are seeing indiscriminate loading and unloading of jeepney drivers. And besides, there’s a policy that there should be no jeepneys on EDSA,” sabi ni Nebrija.

Aniya, bago simulan ang pagpapataw ng multa, hahayaan muna ng MMDA ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board tugunan ang problema sa pamamagitan ng pagputol ng ruta o kaya ay pagbibigay ng bagong ruta sa mga jeepney drivers.

“We’re giving them until maybe next week. If we will still see jeepneys on EDSA, we will start ticketing and that will come in with hefty fines. These are not just traffic violations, these are administrative violations,” anang MMDA traffic operations chief.

Imahe mula sa MMDA

“We do not want to inconvenience these drivers anymore so we asked LTFRB if we can just re-route, if not, then we just cut their lines up to EDSA,” dagdag pa niya.

Layunin ng pagsasara ng mga u-turn slots sa EDSA na mapabilis ang daloy ng EDSA Carousel o EDSA Busway.

Imahe mula sa MB Online

 

Loading…