Michele Gumabao nagpaliwanag kung bakit no-show sa Miss U PH Top 5 presscon

Imahe mula sa MUP
  • Ipinaliwanag ni Michele Gumabao, Miss Universe PH 2020 2nd runner up, kung bakit wala siya sa press conference ng Top 5 ng pageant
  • Tanggap niya raw na hindi siya ang nag-uwi ng korona ngunit hindi niya kayang harapin ang mga tanong
  • Nagpasalamat din siya sa mga sumuporta sa kaniyang pageant journey

Napansin ng pageant fans na wala ang 2nd runner up na si Michele Gumabao sa press conference ng Top 5 ng Miss Universe PH 2020.

Imahe mula sa Instagram | Michele Gumabao

Sa kaniyang pahayag sa pamamagitan ng kaniyang training camp na Aces and Queens ay nagpasalamat ang volleyball star sa lahat ng mga sumuporta sa kaniyang paglahok sa pageant. “To all my Michelin stars, thank you for being with me on this journey! I love each and every one of you,” aniya.

Paliwanag niya, umalis siya sa Baguio Country Club (BCC) kung saan ginanap ang coronation ng Miss Universe PH upang umiwas sa maraming mga tanong.

“I left this morning sa BCC while the pageant was on-going. I knew who won last night pa. I tried to go to our viewing party but everyone kept asking what happened. All the hugs, and the looks I couldn’t handle those,” sabi niya.

“I can handle defeat [but] I can’t handle the people asking me why, why, why? I am sharing this with you because you deserve to know my side. We do not need to defend anyone. I did my very best and I have no regrets.”

Imahe mula sa Instagram | Michele Gumabao

Kinoronahang Miss Universe PH 2020 si Rabiya Mateo (Iloilo). First runner up naman si Miss Ysabella Roxas Ysmael (Paranaque); 2nd runner up si Gumabao (Quezon City); si Pauline Amelinckx (Bohol) naman ang 3rd runner up; at itinanghal naman na 4th runner up si Billie Hakenson (Cavite).

Matatandaang nag-post ang finalist na si Sandra Lemonon tungkol sa isisiwalat niya na diumano ay hustisya para sa kanila.

Tila sinagot naman siya ni Miss Universe Philippines national director Shamcey Supsup sa pamamagitan ng isang Instagram story. “To bear defeat with dignity, to accept criticism with poise, to receive honors with humility — these are the marks of a true QUEEN,” aniya.

Pinaniniwalaan naman ng ilan na sinagot ito ni Lemonon at sinabing “Accepting defeat graciously is one of the many marks of being a queen. But what you forgot to say is that REAL queens play FAIR and don’t CHEAT.”

Wala pang opisyal na pahayag si Lemonon tungkol sa cryptic posts na ito.

Loading…