Michelle Gumabao muling nagpaliwanag kung bakit ‘no show’ siya sa pageant photo-op

Imahe mula sa Facebook
  • Muling nagpaliwanag si Michelle Gumabao kung bakit di siya sumipot sa photo-op ng MUP
  • Alam daw ng MUP organization kung bakit siya umalis
  • Nangako rin ang Quezon City beauty na maglalabas ng official statement tungkol dito

Kung noong una ay isang statement lamang ang inilabas ni 2020 Miss Univerese PH Second Runner Up Michelle Gumabao ng Quezon City, ngayon ay direkta nang nagpaliwang ang beauty queen kung bakit no-show siya sa press-con at photo-op matapos ang coronation event.

Magugunitang marami ang naintriga sa hindi pagsipot ni Miss Quezon City lalo pa’t naglabas din ng cryptic post sa Instagram si Miss Taguig Sandra Lemonon tungkol sa diumano’y ‘kontrobersiya’ sa pageant.

Screenshot mula sa Instagram

Pinawi ni Michelle ang agam-agam ng karamihan na ‘bitter’ siya sa pagkatalo kay Miss Iloilo Rabiya Mateo matapos maglabas ng pahayag sa kaniyang social media.

Nitong Huwebes ay dumalo ang mga MUP beauties kabilang na sina Rabiya at Michelle sa ginawang pagpapasinaya sa 11th E-skwela hub sa Sampaloc, Maynila.

Dito ay sinagot na ni Michelle ang katanungan kung bakit hindi siya nakadalo sa post-pageant event ng MUP.

“Alam ng organization kung bakit ako umalis. I messaged mama Jonas Gafud on the reasons why I left aand he said okay. I’m surprised that there was no statement, there was no message from the organization as to my departure,” paliwanag ng second runner up sa panayam ng ABS-CBN News.

Imahe mula sa ABS-CBN News

“But with social media, I’m used to it, I’m used to the comments,” ani Michelle.

Ganunpaman, hindi naman isiniwalat pa ng QC bet ang tunay na dahilan kung bakit maaga siyang umalis ng Baguio City.

Nangako rin ito na maglalabas siya ng opisyal na paliwanag tungkol dito. Aniya, “I’m going to be issuing my official statement soon.”

Loading…