Miss Bohol humakot ng awards sa prelims ng Miss Universe PH

Imahe mula sa Instagram/ You Tube screenshot
  • Nag-uwi ng apat na special awards ang pambato ng Bohol na si Pauline Amelinckx
  • Hindi rin nagpahuli sa pagsagot si Miss Bohol sa Q & A portion
  • Gaganapin ang coronation event ng Miss Universe PH sa October 25

Nanguna ang pambato ng Bohol sa dami ng awards na natanggap sa preliminary ng Miss Universe Philippines na ginanap sa Baguio Country Club nitong Biyernes ng gabi.

Naiuwi ni Miss Bohol Pauline Amelinckx ang aoat sa siyam na special awards tulad ng Miss Creamsilk, Miss Downy Sweetheart, Miss Cetaphil Sun and Most Beautiful Face Award.

Imahe mula sa Instagram ni Pauline Amelinckx

Sa Q & A naman, hindi rin nagpahuli si Miss Bohol sa kaniyang mga sagot.

Sa tanong na kung ano ang mga skills na dapat i-develop ng mga tao ngayong nasa ‘new normal setup’, tugon ni Amelinckx: “I have worked from home also during the first few months of the pandemic and I think patience above all else is the one thing that we all need to work on ourselves especially with the Internet connection at home. There are so many times that I’ve had meetings then my Internet connection would fade out and I wouldn’t hear the rest of it. I think patience, above everything else, is something that we work on and, from then on, we have clear minds to work on everything else.”

Miss Quezon City Michelle Gumabao bilang Miss MG Philippines| Imahe mula sa Facebook

Sa isa pang tanong kung ano ang isang bagay na dapat pagtuunan ng pansin ng kabataang tulad niya ngayon, ito naman ang kaniyang sagot: “Staying strong and continuing their dreams of educating themselves even during these pandemic times. We are all having a hard time but that doesn’t mean our dreams, our passions are canceled. They’re just on hold. I think they all need hopes in their hearts to continue what they’re dreaming for and to somehow make their dreams come true.”

Screnshot mula sa You Tube

Samantala, maliban kay Amelinckx, nag-uwi rin ng award si Miss Quezon City Michelle Gumabao bilang Miss MG Philippines; Miss Cebu City Tracey Maureen Perez bilang Miss Photogenic; Miss Mandaue City Lou Piczon bilang Best National Costume; Miss Paranaque Ysabella Roxas Ismael bilang Best in Evening Gown; at Miss Iloilo Rabiya Mateo bilang Best in Swimsuit.

Ang koronasyon ng Miss Universe Philippines ay gaganapin sa darating na Linggo, ika-25 ng Oktubre kung saan maglalaban ang 40 magagandang dilag mula sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Panoorin:

Loading…