Miss Taguig Sandra Lemonon nakatanggap raw ng ‘banta sa kaniyang buhay’

Screenshot mula sa You Tube
  • Nakatanggap umano ng banta sa kaniyang buhay si Miss Taguig Sandra Lemonon
  • Sinabi niya ito sa kanilang convo ni Miss Manila Alexandra Abdon
  • Suportado naman ni Miss Manila ang pinagdadaanan ng kaniyang kapwa-kandidata

Nakatanggap umano ng pagbabanta sa kaniyang buhay si Miss Taguig Sandra Lemonon ilang araw matapos ang kaniyang sunod-sunod na cryptic post sa Instagram tungkol sa katatapos lang na 2020 Miss Universe Philippines.

Sa screenshot na ibinahagi ni Lemonon, makikita ang bahagi ng usapan nila ni Miss Manila Alexandra Abdon kung saan nabanggit niya na kung ano-ano raw ang sinasabi sa kaniya ng mga tao.

Screenshot mula sa Instagram

“I have death threats and people telling me I’m stupid and etc…” wika ni Leomon “When all I want is to protect us girls and have fair treatment. Hai.”

Nagpahayag naman ng simpatiya si Miss Manila sa kaniyang kapwa-kandidata sa Miss Universe Philippines (MUP).

“Wag ka maniwala sa mga yon. Most of the people hating you are a bunch of [sweetheart sticker]. Isa ako sa mga nagmamahal sayo plys 44 more girls. Wag ka papasira sa mga may ayaw sayo,” sagot ni Abdon.

“Omg yes!!!. Andito lang ako, lahat kami!!!” dagdag pa ni Miss Manila nang tanungin siya ni Lemonon kung puwedeng ibahagi ang kanilang napag-usapan.

Screenshot mula sa Instagram

Naging kontrobersiyal si Miss Taguig dahil sa kaniyang mga mahiwagang Instagram posts na tila may nais ipahiwatig na ‘dayaan’ daw sa MUP pageant.

Ang unang post niya ay ilang oras lang ang nakararaan matapos ang coronation event: “Get ready loves, tomorrow I will be announcing big news, it’s time to be honest and speak facts.”

Sinundan pa ito uli ng “the truth always comes out. It’s just about timing. Karma is real. [Tea time] soon because we deserve justice.”

Screenshot mula sa Instagram

At bilang sagot sa Instagram story ni Miss Universe Philippines National Director Shamcey Supsup tungkol sa pagtanggap ng pagkatalo, muli ay nagpost si Lemonon: “Accepting defeat graciously is one of many mark of being a queen. But what you forgot to say is that REAL queens play FAIR, don’t CHEAT.”

Marami ang nahiwagaan kung ano ang ibig tukuyin ng natalong beauty queen subalit hanggang sa kasalukuyan ay hindi niya pa rin inilalabas ang ‘big news’ na kaniyang binanggit.

Loading…