Motorcycle taxi mas ligtas na transportasyon dahil sa sapat na bentilasyon at exposure sa sunlight

Imahe mula sa Kyoto Review
  • Motorcycle taxi mas ligtas na transportasyon sa gitna ng pandemya
  • Ligtas ito dahil sa sapat na bentilasyon at exposure sa sunlight
  • Garantisadong hindi magkakahawaan ng COVID-19 sa motorcycle taxi lalo na kung susundin ang mga safety at health measures

Kumpara sa ibang public transportation, mas ligtas sumakay sa motorcycle taxi sa gitna ng umiiral na COVID-19 pandemic dahil sa magandang bentilasyon at exposure sa sinag ng araw, ayon sa ilang eksperto mula sa University of the Philippines-College of Public Health (UP-CPH).

Imahe mula sa Angkas

Sinabi ng UP-CPH na nakatutulong ang motorcycle taxi na paliitin ang panganib ng pasahero at driver na mahawahan ng coronavirus dahil hindi ito sarado gaya ng ibang sasakyan.

Sinuri ng UP-CPH experts ang resulta ng mga ginawang pag-aaral sa ibang bansa tulad ng resulta sa pag-aaral sa 120 cities sa China kung saan sinasabing ang  “higher wind velocity” ay posibleng makapagpababa ng bilang ng mga nahahawa sa COVID-19 dahil mabilis mawala ang droplets sa ere sanhi ng mabilis na daloy ng hangin.

Kumpirmado rin na nakatutulong ang exposure sa sunlight dahil sensitibo ang SARS-CoV-2, ang virus na nagdudulot ng COVID-19, sa ultraviolet rays.

Ayon sa UP experts, kahit na walang physical distancing sa motorcycle taxi ay ligtas pa ring sumakay dito.

“Between enclosed cases versus spaces that have adequate ventilation, the difference in terms of risk was substantial. Hindi naman magkaharap ‘yung magkasakay na ‘yun e. And then the ventilation reduces the risk,” ani Dr. Vicente Belizario.

Imahe mula sa Angkas

Kung mahigpit na susundin ang mga safety at health measures tulad ng pagsusuot ng tamang helmet, face mask, paglilinis ng mga protective gear, disinfection ng mga bahaging madalas hawakan at paghugas ng mnga kay ay garantisado umano ang non-transmission ng COVID-19 sa mga motorcycle taxi.

Loading…