Motorcycle taxi papayagan na muling makabiyahe

Imahe mula sa Kyoto Review
  • Motorcycle taxi posibleng payagan nang makapamasada
  • Inendorso ng IATF sa House Committee on Transportation ang hiling ng Metro Manila mayors na ituloy ang pilot study sa motorcycle taxi
  • Sinabi ng Angkas ride-hailing firm na handa na silang umarangkada sakaling ituloy na ang pilot study

Mataas ang kumpiyansa ng Angkas ride-hailing firm na muli silang papayagang makabiyahe matapos i-endorso ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases sa House Committee on Transportation ang hiling ng mga Metro Manila mayors na muling ipagpatuloy ang pilot study program para sa operasyon ng mga motorcycle taxi.

Imahe mula sa Angkas

Sinabi ni George Royeca, ang chief transport advocate ng Angkas, na ang posibleng pagpapatuloy ng pilot study para sa operasyon ng mga motorcycle taxi ay isang oportunidad para sa mahigit 20,000 nilang partner-riders na muling magkaroon ng pagkakakitaan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Matatandaang bago paman matapos ang pilot study noong Abril, natigil na ang operasyon ng mga habal-habal dahil sa pagdedeklara ng lockdown noong kalagitnaan ng Marso dahil sa health crisis.

Ang pilot study ay isinagawa upang masuri ng Kongreso ang mga panukalang batas na gawing legal ang mga motorsiklo bilang public utility vehicles.

Sinabi ni Royeca na handa nang pumasada ang mga Angkas partner-riders sakaling matuloy na ang pilot study.

Imahe mula sa Angkas

“The next step now is to wait for Congress. But, we’ve already been working on our own steps in the last few months, preparing the fleet to safely lift passengers. We had several hearings already. We are quite hopeful that Congressman Edgar Sarmiento, chair of the committee on Transportation, is actually favorable in the resumption of motorcycle taxis,” ani Royeca.

Aniya, sinanay na ng kumpanya ang mga partner-riders sa tamang pag-disinfect ng kanilang sasakyan sa tuwing matatapos ang isang biyahe. Gagamit din sila ng cashless payment scheme at IATF-approved barrier sa pagitan ng rider at pasahero.

Hindi papayagan ang paghihiraman ng helmet. Dapat may dalang sariling helmet ang pasahero.

Imahe mula sa Angkas

Loading…